The Billionaire's Match (Traviz & Amara) COMPLETED
Share:

The Billionaire's Match (Traviz & Amara) COMPLETED

READING AGE 18+

Armyst24 Romance

0 read

Synopsis
"Mike, please don't leave me. Ginagawa ko naman lahat ng gusto mo, sinuway ko na din si daddy para lang masamahan ka sa lahat ng mga gig mo. Ano pa ba ang kulang? Ano ba ang nagawa kong hindi ko nagustuhan?" Pagmamakaawa ko kay Mike na boyfriend at first love ko. Boyfriend ko na siya mula noong third year high school palang kami. At ngayon ay nasa college na kami at parehong medicine ang course namin. Pareho kaming mula sa pamilya ng mga Doktor ngunit ayaw sa kanya ng daddy ko dahil pilit kinakalaban at sinisiraan ng pamilya nila ang Hospital na pag-aari namin.
"Ano pa ba ang hindi malinaw sayo Yoona, hindi naman talaga kita gusto. Nakipaglapit lang ako sayo para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga upcoming projects ng Hospital ninyo. Si Shiela talaga ang gusto at hindi ikaw, Nagkagusto na kaagad ako sa kanya ng ipakilala mo siya sa akin. Masyado ka lang nag assume kaya pinagbigyan kita na maging tayo. Alam ni Shiela ang tunay na pakay ko sayo kaya hinayaan niya akong makipagrelasyon sayo." Madiing sabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko siya namang pagdating ni Shiela. Ang best friend ko.
"Hindi mo ba narinig? Hindi ikaw ang gusto ni Mike. At para na rin sa kaalaman mo. Matagal na ring kaming may relasyon ni Mike. Hindi ka lang niya maiwan dahil naaawa siya sayo." Wika ni Shiela.
"P-paano mo nagawa sa akin ito? Best friend kita Shiela kapatid na ang turing ko sayo, bakit mo nagawa ito?" Umiiyak kong wika.  Sobrang sakit na malaman na kung sino pa ang mga taong pinapahalagahan at pinagkakatiwalaan mo ang taong mananakit sa iyo. 
"Gusto mong malaman kung bakit? Sige sasabihin ko sayo." Wika ni Shiela at kumapit pa sa braso ni Mike.
"Una nakipag lapit lang ako sa iyo dahil matutulungan mo ako sa mga lessons at para may taga gawa ako ng projects. Pangalawa dahil sikat ka dito sa University dahil nga matalino ka. At pangatlo para mapalapit ako kay Mike. High School palang tayo ay may gusto na ako sa kanya. Kaya nung nakita kong madalas kayong magkasama noong High School tayo ay sinimulan ko na ring makipaglapit sayo hanggang sa ipakilala mo ako sa kanya. Ngayon alam mo ang totoo siguro naman ay matatauhan ka na. Hindi ka mahal ni Mike kaya gumising ka na sa pantasya mo." Wika niya. Hindi ko na nagawang magsalita pa hanggang sa iniwan nila akong nakalugmok sa garden ng aming school habang walang tigil pa rin ang pag patak ng luha sa aking mga mata.

Unfold

Tags: billionairepossessivealoofsportyCEOdoctorbxglightheartedoffice/work placelove at the first sight
Latest Updated
Last Chapter

 

Amara POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil na din sa mga na irinig kong naguusap sa paligid ko. Nandito na pala sina daddy at Phoenix.mhimala at wala si King at Jackson.

"Good morning Honey." Bati sa akin ni Traviz na nakaupo sa gilid ng kama. Hinalikan niya ako sa noo at……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.