Ang POV ng mga BAKLA sa PAG-IBIG
READING AGE 18+
Si Christine Joy Domingo, o mas kilala bilang Shiji, ay isang babaeng hindi naniniwala sa ordinaryong paraan ng pagmamahal.Hindi siya yung tipong naghihintay lang na ligawan.Kapag may gusto siya—lalapitan niya. Aagawin niya ang atensyon. Ipapakita niya kung gaano niya kagusto. At kung kinakailangan, siya pa mismo ang manliligaw.Pero sa likod ng pagiging confident, malandi, at palaban ni Shiji, may isang bagay na hindi alam ng karamihan...Magmahal siya nang sobra.Para kay Shiji, walang mali sa pagiging babaeng marunong gumawa ng first move. Walang mali sa pagiging clingy, selosa, protective, o sa pagbibigay ng buong puso kahit hindi pa sigurado kung ibabalik ba iyon.Dahil ang totoo, iba magmahal ang mga babaeng bakla.Minsan, kami ang unang nagcha-chat.Kami ang unang nagpaparamdam.Kami ang unang umaamin.Kami ang gumagawa ng paraan para mapansin.At kahit ilang beses masaktan, kami pa rin ang unang bumabangon para magmahal ulit.Pero paano kung sa pagkakataong ito, may isang lalaki na kayang baguhin ang pananaw ni Shiji tungkol sa pag-ibig?Sino siya?Hindi pa alam ni Shiji.Ang alam lang niya, habang hinahanap niya ang taong mamahalin niya, unti-unti rin niyang matututunan na ang pagmamahal ay hindi tungkol sa kung sino ang nanliligaw at kung sino ang nililigawan.Ito ay tungkol sa kung sino ang handang manatili.Ang story na ito ay para sa lahat ng babaeng BAKLA kung magmahal—para maintindihan ninyo kung paano kami magmahal, bakit kami ganito magmahal, at kung gaano kalalim ang kaya naming ibigay kapag tunay na ang puso namin.Dahil minsan, ang babaeng mukhang pinakamatapang magmahal...siya rin pala ang pinakakinatatakutang masaktan.
Unfold
Shiji's POV
Day two.
Oplan ShiJo.
Kung kahapon ay testing the waters pa lang...
Ngayon?
Wala nang atrasan.
Mas makulit ako today.
Hindi ako susuko dahil lang sa isang araw na halos wala akong napala.
First day pa lang iyon.
Baka h……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……