Palitan Ng Puso
Share:

Palitan Ng Puso

READING AGE 16+

Michael Juha Full LGBT+

0 read

Isinara ko na ang puso ko para kay Prime. Hindi ko na rin inaasahang babalik pa ang pagiging magkaibigan namin. Nagkamali ako. Bagamat nanghinig ako ng patawad ngunit hindi niya tinanggap. Matitiis ko na hindi niya suklian ang aking pagmamahal huwag lang sanang maputol ang maganda naming samahan bilang magkaibigan.

Tuloy ang buhay. Pinilit kong burahin sa akin gisip ang mga masasayang ala-ala ko sa kanya.

Isang araw, nag-umpukan sina Prime at kanyang mga barkada. Narinig kong nagkuwentuhan sila. "

Pare... naranasan mo na bang magkaroon ng kaibigang bakla?"

"Ako pare, marami. Marami naman kasi tayong classmates na bakla, di ba?" ang sagot ng isa.

"Ok naman silang kaibigan pare, wala naman akong problema..." ang sambit din ng isa.

"E, naranasan niyo na ba na sa gitna ng iyong kalasingan, ginapang kayo?"

"Nangyari sa iyo iyan?"

"Oo pare. Putsa... Kung hindi lang ako lasing noon, binugbog ko na iyon!"

"Kung sa akin nangyari iyon, pare, Okay lang. Walang mawawala sa akin, eh," ang sagot naman ng isa.

"Pero pare... bad trip iyan. Lalo na kung ang baklang iyon ay pilit na nagpakalalaki at naturigan pang best friend mo!" ang sagot ni Prime na nakatingin siya sa akin!

"Waaaahhh! Parang kilala ko! Best friend mo ba kamo?"

"Oo pare. Best friend... Noon iyon, pare. Ngayon, hindi na!"

Palihim na lang akong tumayo at nilisan ang lugar upang hindi ko na marinig pa ang kanilang pagtatawanan.

Unfold

Tags: love-trianglefriends to loversstudentdramabxbcampusmxm
Latest Updated
15 (Last Part)

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

sss: Michael Juha Full

-------------------------

At muli na naman siyang napaluha. "Utol ko pala siya... Kaya pala ang gaaan-gaan ng loob ko sa kanya!" sambit niya.

At isinagawa ang eulogy para kay Prime. Sa harap ng mga nakiramay na kamag-anak ng papa ni Prime na nasa Ame……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.