Mithi (Book 1)
READING AGE 16+
Sa edad na labing-pito, hindi sumagi sa isipan ni Kierra na hindi siya isang normal na tao. Pinalaki siya ng kaniyang mga magulang nang punong-puno ng pagmamahal kahit na isa lamang siyang ampon. Inalagaan siya ng mga ito at pinag-aral sa isang magandang unibersidad. Mayroon siyang tunay na mga kaibigan na sumusuporta sa kaniya.
Ngunit paano kung ang pagiging isang tao niya ay pansamantala lang pala? Paano kung malaman niyang sa pagsapit ng kaniyang ikalabing-walong kaarawan ay tuluyang magbago ang lahat? Matatanggap ba niya ang tunay niyang pagkatao at ang kaniyang lahing pinagmulan? Tatanggapin niya kaya ang responsibilidad na iniatang sa kaniya ni Bathala para tuluyang magtapos ang digmaan sa pagitan ng dalawang lahing kaniyang pinagmulan?
Unfold
Nang ilahad sa akin ni Vito ang kaniyang kamay ay bahagyang kumunot ang noo ko.
“Bakit mo inilalahad sa akin ang iyong kamay?”
Tumingin siya sa kaniyang kamay at napangiti.
“Hindi ba ito ang paraan ng mga tao para makipagkilala? At sabi ng aking ina ay matagal ka raw na nanirahan sa mundong madalas naming pasyalan. Kaya h……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……