SALAWAHAN KONG PUSO: SSPG
READING AGE 18+
"Kung dumating ba ako sa tamang panahon mamahalin mo ba ako?
"Hindi ko alam, Amber. Sa madaling salita ginamit lang kita para panandaliang aliw. Kaya umalis ka na't 'wag mong sirain ang buhay mo dahil alam mo kung anong kayang gawin ng asawa ko.
” Mga huling salita na tila punyal na tumatak sa puso ni Amber bago nilisan ang lugar kung saan naramdaman niya ang maling pag–ibig sa isang tao. Amber Rose Dollares, isang Half British– half filipina na lumaki sa Oslob Cebu. Sa likod ng maamong mukha'y may nakatagong hinanakit. At dahil single mom ang kanyang inang si Dina ay hirap sila sa buhay, kaya naman lumuwas siya ng Maynila upang maging working student kahit mahirap ay lumaban siya para sa kanyang pag–aaral.Namasukan siya bilang yaya ng apat na taong gulang na si Kristine Mae, anak ng amo niyang si Hunter Yap, isang business tycoon at Isang instructor sa criminology school.Sa paglipas ng panahon ay unti–unting nahuhulog ang loob niya kay Hunter at ganoon din ito sa kanya dahilan upang pagsaluhan nila ang mainit na gabi kahit alam niyang bawal ang kanilang pag–iibigan dahil may asawa si Hunter. Nilisan ni Amber ang lugar na 'yon at ginawa ang tama. Subalit sa kanyang pag–alis ay nagdadalang tao siya sa anak nila ni Hunter hanggang siya ay magsilang ng kambal. Mahirap man ay kinaya niyang mag–isang buhayin ang dalawang anak. Subalit pag lipas ng panahon naka tagpo siya ng lalaki na tumanggap sa kanya si Steven Cheng. Ngunit paano kong handa na siyang kalimutan ang nakaraan pero magpaglaro ang tadhana dahil konektado ito sa kanyang kasalukuyan.
Unfold
Hunter's:POV
Alas sais na ng gabi nang matapos kami mag-inuman ni Gian. Hinatid ko na siya ngayon sa kanyang kotse.
"Ano? Sigurado ka bang kaya mo pang mag-drive pa uwi?" pautal- utal kong sabi sa kaibigan ko.
"Anong akala mo sa akin, weak? Ikaw lang yata ang lasing ehh kong hindi nauubos ang alak mo hindi pa sana……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……