Bride of the Unholy (SPG)
READING AGE 18+
Sa edad na disiotso, sigurado na si Maria sa isang bagay. Gusto niyang ialay ang buhay niya sa Poon.
Busilak ang puso niya, inosente ang pananampalataya, at puno ng pag-asa ang bawat hakbang niya papunta sa kumbento. Doon niya inakalang matatagpuan ang kapayapaan. Doon niya inisip na pinakaligtas siya.
Pero habang tumatagal ang pananatili niya roon, unti-unting gumuguho ang mga paniniwalang matagal nang nakaukit sa puso niya.
At doon niya sinimulang katakutan ang isang tanong na ayaw niyang harapin:
Paano kung mali ang lahat ng pinaniwalaan niya?
Lalong tumindi ang lahat nang maging bahagi siya ng mundo ng isang nilalang na hindi niya lubusang maintindihan—
si Sir Lucero.
May mapupulang labi ito.
May matang tila laging nagbabantay… at nag-aanyaya.
At presensiyang sapat para guluhin ang isip. Pero ang mas mapanganib, ang puso.
Kaya pa sanang intindihin ng utak niya ang mga kakaibang bagay tungkol dito.
Ngunit ang hindi niya kayang tanggapin ay ang isinisigaw ng puso niya.
Kaya tumakas siya.
Ipinagkanulo niya ang lalaking hindi niya dapat minahal.
At iniwan ang mundong pilit siyang hinihila pabalik.
Ngunit anong klaseng kinabukasan ang naghihintay sa isang babaeng tumalikod sa tadhana—kung ang pinakainiiwasan niyang mangyari ay siya ring imposibleng takasan?
Unfold
I heard whispers as I lay inside my coffin. Mga pagtangis, mga pighati, mga halinghing ng mortal na nilalang. Napakunot ang noo ko sa istorbo.
I hate humans’ sentiments. It was noisy, desperate, and pathetic. They seek salvation only when their lives depend on it, as if their ungrateful hearts deserve mercy.
“Sigurado ka ba sa gagawi……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……