The Runaway Groom
Share:

The Runaway Groom

READING AGE 16+

EM Priel Romance

0 read

Lumuhod siya sa kanyang harapan, inilabas ang isang maliit at pulang kahon. Naroon ako, ngiting aso. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Maraming tao ang nanood, mga taong naghihintay at tila sabik na sabik sa susunod na mangyayari. Kinuha nga niya ang isang singsing mula sa kahon at nagtanong.
“Will you marry me?”
Hindi ko makakalimutan ang ningning ng kanyang mga mata. Siya lamang ang tiningnan ko sa kanilang dalawa. Hinanap niya pa ang mga mata ko at nang matagpuan ang mga iyon ay saka siya lumuha.
“Yes,” iyon ang sagot niya.
Ngumiti na lang ako ulit…kahit na alam kong may parang tinik na nakatusok sa lalamunan ko. Pumalakpak ang lahat at tumayo. Nakaupo lang ako at pinanood ang sunod na eksena. Tumayo ang lalaking iyon sa entablado sabay halik sa kanyang mapupulang labi. Sa pagkakataong iyon ay alam ko na kung saan ako lulugar. Alam ko na kung saan ako nararapat. Isa lamang iyong palabas, napakagandang palabas na alam kong hinding-hindi ko makakalimutan. Tumayo ako at naglakad palabas ng malaking bulwagan na iyon na para bang may mabibigat na kadena sa aking mga paa.
Saka ko tinanong ang aking sarili. Baka nga isa lang din akong artista sa malaking palabas na ito. Isang karakter na pinili na lang magmukmok nang tahimik at tiisin ang lahat.
Masaya naman siya.
At kahit na masakit ay ngingiti na lang ako para sa kanya.

Unfold

Tags: fatedfriends to loversself-improveddramasweetbxgseriouscitylonelyphotographer
Latest Updated
Chapter 28:

Gaano ba katagal bago makamove-on ang isang pusong pagod na? Minsan nagtataka rin ako sa tibay ng puso ko. Kung kelan sugat-sugat na dahil sa iisang tao na patuloy niyang itinitibok, hindi pa rin nadala. Nagdaan na ang ilang mga buwan pero siya pa rin. Napakalakas ng tama na nagawa ko pang makasakit ng ibang tao na alam kong hindi karapat-dapat ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.