SUBSTITUTE BRIDE: The Vow I Never Meant
READING AGE 18+
WARNING: (R-18+). This story contains strong language and explicit scenes. Also, this is a work of fiction. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
TEASER:
Nang tumakas ang sosyalitang si Amanda Ramirez mula sa isang sapilitang kasal sa akala nitong naghihingalo at hindi kaakit-akit na lalaki, na si Gideon Del Franco, napilit nitong kumbinsihin ang mabait at mahinhin nitong pinsan, si Ashlianna Ramirez, na pansamantalang palitan ito—para lamang sa seremonya at ilang buwan, hanggang sa makabalik ito.
Bagamat nag-aalinlangan, pumayag si Ashlianna, sa desperasyon na hindi mawala ang scholarship ng kanyang nakababatang kapatid at bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang yumaong tiyuhin.
Hindi alam ni Gideon ang pagpapalit ng kanyang magiging asawa—hindi rin siya dumalo sa seremonya. Nilagdaan lamang niya ang marriage certificate at ipinagkatiwala ito sa kaniyang abogado. Para kay Gideon, ang kasal ay isa lamang kasunduang pangnegosyo.
Ang akala ni Ashlianna, matapos ang kasal ay makakauwi na siya sa bahay ng kanyang tiyahin, lalo na’t hindi naman niya nakikita ang asawa. Ngunit napilitan siyang manatili sa Altamirano Estate dahil iyon daw ang gusto ni Gideon. Sa kanyang pananatili, nadiskubre niya ang lihim na itinago sa lahat—ang iniisip ng lahat na may sakit at pangit na CEO at Presidente ng Altamirano Holdings ay isa palang malusog at napakaguwapong lalaki.
Habang unti-unting nalalantad ang mga lihim, nagsisimulang umibig si Ashlianna kay Gideon. Ngunit nang tila may katugon na ang pag-ibig niya sa lalaki, bumalik si Amanda at inaangkin muli ang buhay nito na pansamantalang iniwan sa kaniya.
Ngayon, kailangang pumili ni Ashlianna—ibunyag ang katotohanan at isugal ang lahat, o iwan ang pag-ibig na hindi niya inasahan sa maling kasal ngunit sa tamang lalaki.
Unfold
“Ayaw ko, Amanda,” madiing tanggi ni Ashlianna sa pinsan niyang si Amanda.
Nakiusap ito sa kaniya na siya ang pumunta sa mansyon ng mga Del Franco para magpakasal kay Gideon Del Franco, na kailanman ay hindi pa niya nakita ng personal.
Yes, she had heard about him. Panganay ito sa tatlong mag……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……