Behind Walls
Share:

Behind Walls

READING AGE 16+

Painmetwelve Romance

0 read

Kung babalik ako, babalik na naman ako sa sakit na maidudulot niya.

Sa isang taon kong pagkawala sa mata niya, hindi ko alam kung may pumalit na ba sa buhay ko sa kanya. May kung anong sakit ang gumapang sa dibdib ko. No. Ayaw kong isipin.

Mahal na mahal ko si Red at alam na alam niya iyon. Pero hindi lang iyon sapat na ipanatili ko ang sarili sa tabi niya ng ganoon. I want something he couldn\'t give.

I want time, I want an assurance at hindi niya iyon kailanman naibigay sa akin. Sa ilang taon naming pagsasama, ako ang nagdala sa aming relasyon. Busy siya sa kanyang pagiging Racer. Nang ikasal kami, huminto siya sa racing pero iba naman ang pinagkaabalahan niya, ang kompanya naman niya. Umabot ako sa puntong naramdaman kong para lang akong isang palamuti sa buhay niya.

Isang palamuti na kahit kailan ay hindi niya mabibigyan ng pansin dahil iba ang prayoridad ng kanyang buhay.

Nang alukin niya ako ng kasal, akala ko magbabago na siya.. pero hindi. Mas naging malala pa siya. Kahit isang \'Hi\' man lang sa umaga, hindi niya magawa.

Ilang beses ko siyang sinubukan pagselosin sa mga taong nakapalibot sa akin, pero kahit kailan, hindi siya nagselos.

Ano ba talaga ako sa buhay mo Red? Bakit mo ako pinakasalan? Mahal mo ba ako?

Tatlo lang iyan sa mga tanong na ilang beses kong tinanong sa kanya pero kibit balikat lang ang sagot niya.

Asawa pa ba ako sa ganyang sagot niya?

Minsan, napahiling ako na sana isa na lang akong kompanya, para naman maranasan kong ibigay niya sa akin ang buong atensyon niya. O di kaya, sana kotse na lang ako, para kasama niya ako sa mga lugar na kanyang pupuntahan. O di kaya sana investor na lang ako sa kompanya niya, para naman maramdaman ko ang pakiramdam na nakakausap siya ng masinsinan.

Ito kasi ang mahirap sa kanya.. ako ang asawa niya pero mas committed pa siya sa kanyang negosyo at trabaho.

Unfold

Tags: second chancetwistedoffice/work placepassionate
Latest Updated
Epilogue

Epilogue (Prelude to postlude)

Ryle Enio Dion Del Grande



Nagmamadali akong umuwi ng bahay dahil alam kong naghihintay na siya sa akin. Dala ko ang isang supot ng paborito niyang chicken wings.

Dumiretso akong silid namin at nakitang wala siya. Napakamot ako sa aking ulo.

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.