LIYANA Reyna ng Tondo
READING AGE 18+
Kuwela, sintu-sinto, madaldal iyan ang ilan sa katangian o personalidad ni Liyana Lim. A Filipina-Chinese business woman ng Tondo Maynila.
Akala niya kilala na niya ang buo niyang pagkatao pero - noong namatay ang kaniyang ama unti-unti nagbago ang takbo ng kaniyang buhay.
Sa madilim na eskinita sa Ilaya, may dalawang taong sumusunod sa dalaga. Mabilis ang paggalaw, walang maririnig na kahit anong ingay sa mga ito.
"Akin ang Tondo! Sa inyo na ang Cavite!" malakas na sambit ni Liyana.
Napatigil naman sa pagsunod ang dalawang lalaki.
"Idol pa yata si Fernando Poe," mahinang bulong ng isang lalaking may hawak ng Glock 19 pistol with Omega Silencer.
"Sigurado ba sila na siya ang kailangan natin?" nagdududang tanong ng lalaking may dalang itim na bag.
Dahil sa nag-uusap ang dalawang ungas ayon nawala sa paningin nila ang dalaga.
"Patay na! Biglang nawala!" natatarantang sambit ng lalaking may baril.
"Umikot ka sa banda roon, dito ako sa kaliwa magkita na lang tayo sa harap ng 168 Shopping Mall." Mabilis na tumakbo ang dalawa. Lingid sa kanilang kaalaman - kumubli lamang sa isang sulok ang dalaga para umihi.
Ano kaya ang pakay ng dalawang ungas sa dalaga?
Ito na ba ang hudyat o simula sa bagong kabanata ng buhay ni Liyana Lim? Ano kaya ang lihim sa tunay na pagkatao ng dalaga?
Unfold
LIYANA’S POV
"Talian nang maigi iyan at baka makawala pa." Kinaladkad siya at pabalyang pinaupo sa upuan. Nanakit ang buong niyang katawan sa pagod at pambubugbog sa kaniya kanina. Napaigik siya nang walang ingat na initali ang dalawa niyang kamay sa sandalan ng upuan. Tinalian din ang kaniyang mga binti. Sa lagay niyang i……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……