Loving My Sister's Billionaire Fiancé
READING AGE 18+
BENEDICTO TWINS SIBLINGS SERIES
#1
2nd Generation (Loving The Ex-convict Billionaire)
THADDEUS ALEXANDRO BENEDICTO (Lexa and Gregg eldest twin son)
"My heart beat for the first time. It\'s my first time to fall in love but why with my sister\'s fiancé?"
Buong buhay ni Nikay ay tinuon niya sa pag-aaral. Hindi siya nag-entertain ng manliligaw kahit may ilan na nagpapakita ng interes. Ngunit hindi niya inaasahan na titibok ang puso niya kay Thaddeus Alexandro Benedicto, ang bilyonaryong fiancé ng kapatid niya.
Si Nikay ang naging tour guide ni Thaddeus ng magbakasyon ito sa lugar nila at para dumalo na rin sa ikalabing-walong kaarawan niya. Sa mga araw na kasama niya si Thaddeus ay hindi niya namamalayan na unti-unti na pala nahuhulog ang kanyang loob sa binata kahit lagi siya nitong kinokontra at pinupuna.
Masaya si Nikay para sa Ate Nikki niya pero hindi ang puso niyang unti-unting dinudurog habang nakikitang kinakasal ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso habang inaawit ang awiting siya mismo ang pumili para sa dalawa.
Para makalimot ay pinili niyang sunggaban ang offer ng malapit na kamag-anak na pag-aralin siya sa ibang bansa. Ngunit sadyang pinaglalapit sila ni Thaddeus dahil nakiusap ang kanyang ina na pansamantalang alagaan ang pamangkin niya.
Pumayag si Nikay dahil ang buong akala niya ay wala na siyang nararamdaman para kay Thaddeus dahil pitong taon na ang nakalipas. Ngunit nagkamali siya dahil muling bumalik ang nararamdaman niya para rito nang makaharap niya itong muli.
Paano kung sa pagbabalik niya ay hindi sinasadyang nadiskubre niya ang isang lihim? Lihim na alam niyang magiging sanhi ng pagkasira ng pamilyang binuo ng lalaking minsan niyang minahal? Pipiliin ba niyang makialam o hahayaan niyang ito ang maka-diskubre?
Sa mundo kung saan puso ang sangkot, sino ang mas matimbang, ang kadugo na hindi mo kayang ipahamak o ang lalaking mahal mo na ayaw mong masaktan?
Unfold
NIKAY
Pupungas-pungas ng mata na bumangon ako sa higaan. Ilang segundo pa akong natulala bago binalingan ang digital clock na nakapatong sa bedside table. Alas tres pa lang pala ng madaling araw. Binalingan ko ang katabi kong mahimbing na natutulog. Napangiti ako at hinaplos ang pisngi nito. Nilapit ko ang mukha ko at magaan ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……