Bridging the GAP
Share:

Bridging the GAP

READING AGE 18+

Neth Daquipil Steamy Stories

0 read

Si Howell Alzol Sullivan ay isa sa pinakamayamang tao na nagmana ng malaking kayamanan mula sa kaniyang mayamang pamilya pagkatapos ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Ipinagkatiwala sa kaniya ang pamamahala sa lahat ng kanilang mga ari-arian. Sa kan'yang mga araw sa kolehiyo, si Howell ay nakorner sa isang sapilitang pagpapakasal sa isang babae dahil ito ay napagkasunduan ng magkabilang panig ng kanilang pamilya na hindi niya nalalaman. Wala siyang choice kun'di ang sumunod. Natakot siya sa salita ng kaniyang ama na mapangalagaan nito ang kanilang pangalan at reputasyon. Nagpakasal siya sa babaeng hindi niya pinangarap na makasama. Si Howell ay gumugol at nagsumikap upang pamahalaan ang negosyo ng kaniyang pamilya habang binabalanse ang kaniyang trabaho at mga pangarap. Sa huli, nagpasya siyang pumasok sa larangan ng pulitika. Ang kaniyang katalinuhan at reputasyon sa mundo ng negosyo ay nanalo sa puso ng maraming mamamayan na humanga sa kan'yang husay. Gayunpaman, sa kaniyang mga abalang araw sa pulitika, ang kaniyang asawa ay nagkasakit ng malubha at hindi na magamot. Tinanggap ni Howell ang kaniyang kapalaran at hinarap ang buhay ng mag-isa. Sa kabila ng kaniyang kabataang hitsura, may edad na siya at matagumpay na nakatapos ng tatlong termino sa serbisyo publiko. Dahil sa pangangailangan sa kaniya bilang isang public figure, natagpuan niya ang kaniyang sarili na muling makibahagi sa serbisyo publiko matapos italaga bilang lokal na punong ehekutibo. Sa panahong ito, nakilala niya ang isang binibini. Isang hamon ngayon para sa kaniya na makuha ang kaniyang puso sa kabila ng malaking agwat ng edad nila ni Mara Abiera Soldevilla.

Unfold

Tags: billionairepossessivedare to love and hatetwistedbxgotherscruelpunishmentwifehusband
Latest Updated
Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.