Love Behind the Bullet
Share:

Love Behind the Bullet

READING AGE 16+

Kate Josipin Action

0 read

Masamang karanasan noong siya’y bata pa ang nagtulak kay Paulo Borromeo na maging isang pulis. Nakatatak na sa murang isipan niya ang maling gawain ng mga tao sa kanilang lugar. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Maraming balakid nakaharang kay Paulo. Barkada at bisyo ang ilan lamang sa sumira sa pangarap ng binata.

Dahil sa inggit niya sa nakababatang kapatid at dahil na rin hindi niya naipasa ang board exam sa pagkapulis ay nagpasya siyang lumayas sa kanilang bahay.

Sa pagtungtong ni Paulo sa Mindoro kasama ang tiyuhin, makilala niya si Remedios Soriano na anak ng isang grupong nagmamalalasakit, may ipinaglalaban para sa bayan, at higit sa lahat ay tumutulong sa mga mahihirap at naaaping mamamayan. Dahil sa taglay na katangian ng dalaga ay napaibig nito ang binata.

Sa pagpasok ni Paulo sa grupo, nadiskubre niya ang maling gawain ng mga ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng masasamang gawain ay may sapat na rason ang mga ito kaya sila kumikitil ng buhay.

Hanggang saan dadalhin si Paulo ng pag-ibig niya kay Remedios. Kaya rin ba niyang pumatay gaya ng ginagawa ng dalaga? Kaya bang baguhin ng pag-ibig ni Paulo si Remedios? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan?

Unfold

Tags: goodgirlsweetbxgsmall townfirst love
Latest Updated
Chapter 78 IKATLONG BAHAGI

KINABUKASAN, nakasimangot si Remedios habang iniempaki ang kanilang mga damit. Masama ang loob niya kasi hindi natuloy ang pagligo nila kahapon sa dagat. Paano ba naman muli siyang pinagod ng magaling niyang asawa. Buong akala niya isang mabilis na ganap lang ang mangyayari sa kanila. Ngunit muling humirit ang asawa ng second round……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.