And Love Me Like The First Time
Share:

And Love Me Like The First Time

READING AGE 18+

senyorita kamita Romance

0 read

Lumakas ang t***k ng dibdib niya ng hawakan ni Joaquin ang kanyang mga kamay at itapat ito sa kanyang matipunong dibdib.
Ano nga ba ang dapat niyang maramdaman? Ang magalit o umiyak dahil sa sari-saring emosyon na nakatago sa kanyang puso?
Gusto niyang magsalita ngunit wari ba'y walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig. Gusto niyang umiyak pero parang mas nangingibabaw ang saya na kanyang nadarama ng mga oras na iyon.
Malamlam ang titig ni Joaquin sa mga mata ni Mayi. Mga tingin na nangungusap at tila kinakausap ang kaibuturan ng kanyang kaluluwa....
Hindi na niya kaya pang salubungin ang mga matang iyon. Pag hindi pa siya bumitiw ay tuluyan nang huhulagpos ang damdaming kanyang itinatago.
Bumaba ang tingin niya sa kanyang mga labi, tila nangungusap ang mga ito na iyon ay kanyang hagkan.
Damang dama niya ang init ng hininga mula sa kanyang kaharap. Napakalapit na nito na para bang nabato balani siya. Dinig nila ang hingal na pilit nilang tinatago.
Napa kagat labi si Mayi. Pinipigilan niya ang sariling hagkan ang mga mapupulang labi sa kanyang harapan.
ngunit tila ba ito ay naging isang senyales kay Joaquin upang gawin ang kanina pang nais niyang mangyari.
Lumaki ang kanyang mga mata ng mas lalong idikit ni Joaquin ang kanyang muka na halos isang hibla na lang ng hangin ay magdidikit na ang kanilang mga labi...
Napa usal siya ng mahina... "Joaquin...."
Munti niyang itinulak ng kanyang mga kamay ang dibdib ng lalake... pero mas lalo ito'ng lumapit sa kanya...
Huli na ang lahat, hinapit siya ng mahigpit sa bewang at dinama ang kanyang katawan.
Ramdam niya ang init ng balat ni Joaquin, sa suot niyang manipis na bestida na noo'y humapit na sa kanyang balat dahil sa pagkakabasa sa ilog. Tila nagbabaga ang katawan ni Joaquin.

Unfold

Tags: adventurelove-trianglesexopposites attract
Latest Updated
Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.