The President's Princess (BxG)
Share:

The President's Princess (BxG)

READING AGE 16+

Joemar Ancheta (Pinagpala) Romance

0 read

Si Airish ay anak ng Presidente ng Piipinas samantalang si Justine ay isang hamak na PSG. Maganda, sopistikada, may maamong mukha at nakakikilabot na kaseksihan ngunit itinatago ng kagandahang ito ang kabulukan ng kanyang ugali. Kilala ni Airish ang kanyang sarili, hinding-hindi siya mahuhulog sa isang hamak na bodyguard lang. Ngunit mapagbiro ang pagkakataon. PInagsadya sila ng kapalaran. Langit at lupa ang pagitan ngunit pinagsalubong sila ng tunay na pagmamahalan. Naging mabuting tao si Airish dahil sa pagmamahal. Ngunit paano kung may kasintahan si Justine na iniwan niya pansalamantala sa Manila. Paano nila haharapin ang iniwan nilang buhay kung alam nilang pagkatapos ng immersion na iyon ay haharapin na nila ang tunay nilang buhay?
Napipinto nang mawalan ng trabaho si Justine. Ang dapat inayos na problema sa immersion ay lalong nagkagulo. Muling bumalik si Airish sa dating siya, mas nagiging masahol pa nang hindi niya matanggap na may ibang babae sa buhay ng lalaking nagpabago sa kanya. Doon rin nasasaktan si Ralph, ang lalaking lihim na nagmamahal ng totoo kay Airish.
Bukod kay Airish na nasasaktan, may Janna na rin na ipinaglalaban ang kanyang ipinagbubuntis. Si Ralph, na ipinaglalaban ang mas dalisay na pagmamahal niya kay Airish kaysa kay Justine. Si Justine na hindi pa rin niya kayang panindigan kung sino talaga ang kanyang mahal. Si Airish na ipinaglalaban ang mali niyang pag-ibig kay Justine at nalilito na rin sa kabutihang ipinaparamdam ni Ralph.
Sa huli, kailangan nilang piliing gawin ang tama. Kailangan nilang panindigan ang dapat. Si Janna ang dapat kay Justine at si Ralph ang tama kay Airish, ngunit susundin ba nila iyon o ipaglalaban ang t***k ng kanilang puso?

Unfold

Tags: age gapbadgirlbitchdramasweetbxgheavybetrayalenemies to loversWriting Academy
Latest Updated
THE BODYGUARD

EPILOGUE

 

Dumaan pa ang ilang taon. Hindi pa rin pinalad mabuntis si Airish. Nagtatampo na rin si Ralph dahil madalas abala ang kanyang asawa sa trabaho nito kaya naisip niyang iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ito nagbubuntis. Iyon lang naman ang balakid sa masayang pagsasama nila ni Airish. Masaya silang dalawa ngun……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.