Kaibigan, Kai-bigan
Share:

Kaibigan, Kai-bigan

READING AGE 18+

Madelyn Cayare Romance

0 read

Nagulat si Melody nang makitang nakahiga si Gendel sa kaniyang kwarto at di na siya makilala nito sa kalasingan.

"Ate, ano ba kasi ang nangyari sayo?! Bakit ba nagpakalasing ka ng ganito?,

"Tubiig, punasan mo ako ng tubig, mahinang sambit ni Gendel na kahit ang mga mata nito ay di kayang idilat sa kalasingan.

Dali-daling lumabas ng kwarto si Melody upang kumuha ng bimpo at tubig upang mapunasan ang nakatatandang kapatid nito, pagpabaa niya ng kuarto ay nadatnan niya ang mga classmate niya na nuon ay nakaupo sa kanilang sala at hinihintay siya, nakalimutan na Melody na kasama niya ang mga ito nang umuwi siya sa bahay nila.

"Saglit lang ha, sabi pa niya sa mga ka klasi niya, kailangan ako ng ate ko eh.

"Segi okay lang kami dito, sagot naman ng kaklasi niyang si Yogz.

Si Melody ang nakababatang kapatid ni Gendel. Lima silang magkakapatid panganay si Gendel at pangatlo si Melody, si Gendel ay kararating lang galing Maynila at wala man lang itong dala na kahit isang pirasong pasalubong pero mahal na mahal ito ni Melody. Simple lang ang kanilang pamumuhay ang kanilang Ama ay isang magsasaka ang ang kanilang Ina ay nangibang Bayan upang magtrabaho.

Nang makatulog na si Gendel ay tsaka pa lumabas si Melody at binalikan ang kaniyang mga kaklasi na nuon ay nag kukwentuhan.

"Bakit mel? anong nangyari sa kapatid mo?, tanong ni Yogz.

"Hay naku! lasing na lasing ang init daw ng pakiramdam nya kaya ayon sumisigaw ng tubig, gusto niyang magpapunas ng tubig, ayon nakatulog na matapos kong mapunasan.

"Oh, paano na ang plano natin, punta paba tayu sa bukirin para manguha ng prutas? Tanong ni Yogz kay Melody

"Magbihis ka kaya muna para pagbalik mo, makapag bihis na rin ako at tutuloy na tayo sa bukid, daanan mo na rin c Cecille and ang iba pang kasama natin. sabi ni Melody kay Yogz.

"Segi, at nagpaalam na si Yogz.

Si Cecille ang kasintahan ni Yogz na kaibigan din ni Melody.

Nang makabalik na si Yogz kasama na nito si Cecille at iba pa nilang mga kaibigan.

"Ayos lang ba na isama ko ang kapatid ko?! tanong ni Melody sa mga kaibigan.

Tumango naman ang kaniyang mga kaibigan bilang pag sang ayon na siya ring pag labas ni Gendel na inuunat pa ang mga kamay dahil kagigising lang nito.

Sina na rin ni Melody ang kaniyang kasintahan na si Rey.

Napansin ni Gendel na siya lang ang walang nobyo na kasama, na out of place tuloy siya sa mga kasamahan niya sa bukid.

"Mel,! tawag ni Gendel sa kapatid niya,. Bakit ate?! sagot naman ni Mel.

"Parang mas matanda si Cecille kay Yogz? bulong niya sa kapatid niya.

"Oo ate talagang mas matanda si Cecille, pero malapit na silang mag celebrate ng kanilang 3 Year Anniversary, sagot naman ni Melody..

"Talaga!? lumaki ang mata na sabi ni Gendel.

Nang makapnguha na sila ng prutas ay nagpahinga sila sa may bahay kubo na malapit sa taniman ng palay, habang nagpapahinga ay naghanda si Yogz ng makakain na prutas at binigay niya ito sa nobya niyang si Cecille.

Tinukso sila ng mga kasamahan nila dahil sa pagiging sweet ni Yogz kay Cecille ngunit nasanay na sila sa mga ito na tinutukso.

Samantala akward ang nararamdaman ni Gendel, dahil naakit siya sa ka sweetan at katangkaran ni Yogz at naglalaro sa isip niya na paano kaya kung naging siya so Cecille, ngunit bumalik sa kanyang ulirat si Gendel ng ginulat siya ni Melody at binigyan siya ng isang hiwa ng langka para makakain..

Kinahaponan ay nagsiuwian na sila ngunit sa isip ni Gendel ay naglalaro parin ang muka ni Yogz at ang mga ngiti nito.

Nang sumunod na mga araw ay palaging inaasam ni Gendel na makita si Yogz ngunit alam naman niyang hindi ito pwede dahil may nobya na si Yogz, minsan ng mapadaan si Yogz sa bahay nila.

"Tao po! Tao po!

nang lumabas si Gendel,

"Yogz, ikaw pala, anong sadya?

"Nandiyan ba si Melody?, may usapan lasi ang grupo namin ngayon na pupunta kami kina Cecille kasi gagawa kami ng project paliwanag ni Yogz.

"Ah, naliligo pa eh, sabihan ko nalang na pumunta pagkatapos niyang maligo. sagot niya

"Hihintayin ko nalang siya,. sagot naman ni Yogz.

"Ah segi, pasok ka na muna, at maupo ka,..

nakapag kwentuhan ang dalawa dahil madaldal naman si Gendel kaya di na masyadong nahiya si Yogz marami rin siyang nalaman tungkol dito at tungkol din sa mga magulang nito. Nalaman din niya na pareho sila ng araw ng kapanganakan magkaiba nga lang ang taon

"Baka meant to be tayo? sabay tawa niyang tugon kay Yogz

"Mejo namuka si Yogz pero naputol ang kanilang usapan nang tapos nang makapag bihis si Melody at inaya na si Yogz na umalis.

Unfold

Tags: dramasweetserious
Latest Updated
Kaibigan, Kai-bigan

Nagulat si Melody nang makitang nakahiga si Gendel sa kaniyang kwarto at di na siya makilala nito sa kalasingan.

"Ate, ano ba kasi ang nangyari sayo?! Bakit ba nagpakalasing ka ng ganito?,

"Tubiig, punasan mo ako ng tubig, mahinang sambit ni Gendel na kahit ang mga mata nito ay di kayang idilat sa kalasingan.

……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.