Carrying The Billionaire's Son (Tagalog-R18)
Share:

Carrying The Billionaire's Son (Tagalog-R18)

READING AGE 18+

CAIL DELAVEGA Romance

0 read

Book 1 - Wildly and Desperately
Book 3 - The Wedding Betrayal
[SPG/MATURE CONTENT]

Panganay si April sa dose nilang magkakapatid. Bata pa lamang sila ay namulat na sila sa kahirapan ng buhay at mas lalo itong pinalala noong bawian ng buhay ang kanilang ina mula sa panganganak sa pang-trese nilang kapatid. Maging ang bunso nilang kapatid ay binawian din ng buhay dahil sa kakulangan nito sa buwan.

Naiwan sila sa pangangalaga ng kanilang amang lulong sa bisyo, alak, sugal at sigarilyo. Nahinto silang lahat sa pag-aaral dahil ang nais ng kanilang ama ay maghanapbuhay na lamang sila. Sa tuwing wala silang nai-uuwing pera ay latay sa katawan ang natatanggap nila mula sa kanilang sariling ama.

Maging si April ay maraming beses na nitong sinubukang ibenta sa mga matatandang mayaman para lang magkapera at para may mai-lustay sa sugal. Ngunit maraming beses din itong sinuway ni April dahil hindi niya makayanang tumabi sa mga matatanda.

Hanggang sa lumipat sila ng tirahan sa kabilang bayan upang pagtaguan ng kanilang ama ang isang nakatalo nito sa sugal. Dito ay nakilala ni April si Charles Delavega, ang mayamang binatang anak ng may-ari ng buong palengke at isa sa mga pinakamayayamang tao sa buong bansa.

Nang madiskubre niyang naghahanap ito ng babaeng katulad ng kanilang ina na simple, mabait at hikahos sa buhay ay kaagad niyang sinunggaban ang pagkakataong ito. Ginawa niya ang lahat upang siya ang mapili ng binata, maging ang sarili nitong puri ay ibinigay niya para lang may dahilan siyang panagutan ng binata.

Unfold

Tags: billionaireone-night standpregnantmanipulativedramabxgambitiousoffice/work placebetrayalrejected
Latest Updated
SPECIAL CHAPTER

"Charles, ahm...b-bakit dito?" nagtataka at alanganin kong tanong kay Charles nang pumasok ang kanyang sasakyan sa kanto ng bagong gawang kalsada na patungo sa aming lugar.

Huwag niyang sabihin na ihahatid niya lang ako sa barong-barong namin at aalis din siya? Mag-asawa na kami at ang inaasahan ko ay doon niya kami dadalhing mag-in……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.