Yearbook
READING AGE 16+
Sampung tauhan may kanya-kanyang lihim na itinatago mula sa nakaraan. Sa bawat tauhan ay makakatanggap ng isang hamon mula sa isang estranghero. Sa oras na hindi magawa ng tama, isa-isa silang mawawala.
Walang nakakaalam kung sino ang estranghero sa likod ng mga misteryong pagkawala ng sampung tauhan. Walang nakakaalam kung saan nga ba nagsimula ng lahat.
Sa bawat hamon binibigay ang estranghero, ang Yearbook na pagmamay-ari ng sampung tauhan ang kanilang natatanggap. Ang yearbook kung saan isa sa mga ka-batch nila ang blangko larawan. Tanging pangalan na lang nito ang nakasulat roon.
At sa bawat tauhan ay mapapatanong ng...
"Nasaan na ba si Aimee?"
Si Aimee ang kontrobersyal nilang schoolmate na nasangkot sa isang video scandal. Walang sinuman ang nakakapagsabi kung ano na ang nangyari sa kanya matapos kumalat ang video nito.
Si Aimee nga ba ang nasa likod ng estrangherong humahamon sa taong sangkot sa kanyang nakaraan? O isa rin siyang biktima ng mapaglarong nilalang?
Unfold
KASALUKUYANG NILALAGYAN NI Aimee ng juice ang bawat baso ng lahat nang marinig niya ang sinabi ni Congressman Tan, "After ng graduation, pwede na nating planuhin ang kasal! Bakit pa natin patatagalin? Doon din naman ang tungo ng dalawang ito, eh! Tama ba ako, ijo?"
Napakunot ang noo ni Aimee nang mapansin niyang tumingin si Congres……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……