My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)
READING AGE 18+
Kilala si Gwyneth Altamarino sa buong campus bilang isang matalinong estudyante at presidente ng kanilang departamento. Maraming humahanga sa kanya dahil bukod sa matalino ay may angkin din itong ganda.
Panganay sa dalawang magkakapatid kung kaya mataas ang expectation sa kanya ng kanyang mga magulang lalo na nang kanyang ama. Pero sa kabila ng kanyang mga nagawa at sa dami ng humahanga sa kanya ay may pagkamahiyain siya kung kaya mas madalas siyang mapag-isa.
Lingid sa kaalaman ng nakararami na isa siyang erotic writer. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay nailalabas niya ang kanyang pagiging malikhain at nagiging malikot ang kanyang imahinasyon. Ang buong akala niya ay mananatiling sekreto ang lahat hanggang sa siya ay makapagtapos ngunit may isang taong makakatuklas ng kanyang sekreto.
At iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang bagong terror na guro ngunit kinahuhumalingan ng mga kababaihang estudyante sa buong campus na si Prof. Kian De Silva, ang kanyang naging inspirasyon at male leading man niya sa kanyang bagong librong isinusulat...
Ano ang gagawin niya?
Ibubunyag kaya ni Prof. Kian ang kanyang lihim?
Unfold
REIGN’S POV
Kinausap ako ni Lolo nang ihatid ko ito sa kanyang kwarto. Sinabi nito na alam nito ang tungkol sa relasyon namin ni Ken at hindi naman ito nagagalit subalit kailangan ko di umanong tapusin ang aking ipinangako sa kanya upang mapatunayan ang aking kakayahan sa aking mga magulang.
“Tandaan ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……