ANGKININ MO AKO, DADDY EROS (SSPG)
READING AGE 18+
R-🔞 (SSPG)
Isang gabi lang. Iyan lamang ang balak ni Sierra, ang gumawa ng pinakamalaking pagkakamali sa buhay niya bago tuluyang ibaon ang lahat sa limot.
Ngunit ang lalaking pinili niyang makatalik buong gabi ay ang fiancé mismo ng sarili niyang kapatid. Akala niya matatapos ang lahat pagsikat ng araw.
Pero nagkamali si Sierra. Dahil pagkatapos ng gabing iyon, hindi na siya makaalis sa lalaking dapat ay hindi niya kailanman hinawakan. At ang mas malala pa. Hindi rin siya kayang pakawalan nito.
Kahit pa ang bawat halik nila ay pagtataksil. Kahit pa ang bawat yakap at pagtatalik ay isang kasalanang walang kapatawaran. Handang sumugal si Sierra at lunurin ang sarili sa kasalanan kung ang kapalit ay ang lalaking pinakamamahal niya.
Sa mundong puno ng lihim, pagnanasa, kasinungalingan, at pagtataksil. Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban? At kapag dumating ang araw na kailangan nilang mamili, pamilya ba? O ang pag-ibig na ipinanganak mula sa pinakamalaking kasalanan?
Unfold
Dahan-dahang huminto ang itim na sasakyan ni Eros sa harap ng isang mamahaling boutique. Napakurap si Sierra sa pagtataka.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong niya habang lumilingon kay Eros.
Inabot nito ang seatbelt niya at maingat na tinanggal bago inalis ang sarili nitong seatbelt.
“Bumaba ka,” maikli n……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……