A Story for Caroline
Share:

A Story for Caroline

READING AGE 12+

Mattia June Fantasy

0 read

Maraming kulay ang mundo, pero hindi lahat ay nabiyayaan ng pagkakataong makita ito. Bawat sinag ay may halaga, may saysay...may kuwento. Tulad ng sampung magkakapatid na anak ng mag-asawang Henry at Anna Cruz. Sampung kuwento ng hinanakit, pag-ibig, galit at pait ng buhay. Ngunit bawat isa sa mga ito ay mahalagang bahagi ng pagkatao ni Caroline, ang pangsiyam sa sampung Cruz. Ang manika at komikera ng pamilya na may mataas na pangarap para sa kaniyang mga kapatid. Kailanman ay hindi niya ininda ang pagod at puyat, dahil inspirasyon niya sa araw-araw ang pangarap na buhay para sa mga ito.
Sa lahat ng ito ay katuwang naman niya ang maunawain at mabait niyang nobyong si Billy, ang kababata niyang nagbuhat sa isang mayamang pamilya na siya ring nagbigay ng hanapbuhay noon sa kaniyang mga magulang.
Hanggang isang araw ay bigla na lang dumating ang suwerte sa buhay ni Caroline nang matanggap siyang executive assistant ng isang matandang mayaman, si Don Ferdinand Marciano. Pinagtiwalaan siya nitong mamahala sa mga negosyo nito at nang mamatay ay pinamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda. Ngunit isang araw ay bigla na lamang kumulubot ang balat ni Caroline, pumuti ang buhok at tumanda ang anyo. Ang mga paa at binti nito ay hindi maigalaw. Nagmistula itong isang matanda na inaakay na lamang upang makalakad. Hanggang ang kaya na lamang nitong gawin ay ang makinig sa mga kuwento ng nakababata nitong kapatid na si Aida.

Unfold

Tags: darkreincarnation/transmigrationdramabxgmysteryhighschoolschoolancientpassionatesacrifice
Latest Updated
Chapter 78

TINOTOO ni Vince ang sinabi. Iyon na nga ang huling araw na nakita niya ito. Hindi na ito nagpunta sa bahay nila at sa tuwing itatanong naman niya kay Aling Nancy ang kinaroroonan nito ay iisa lang ang natatanggap niyang sagot. Nasa bukid daw si Vince.

Nang sumapit ang araw ng Sabado ay dumating nga ang kaniyang biyenan para kuh……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.