The Cold-Blooded BILLIONAIRE
Share:

The Cold-Blooded BILLIONAIRE

READING AGE 18+

Marianne Romance

0 read

Hilam sa luha ang mata ni Jacob nang harapin ni Mae sa labas ng kanilang bahay. Lumuhod ito sa harap niya, nagsusumamo.

"Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Ganyan na ba kakapal ang mukha mo? Hindi na kita mahal Jacob, alin ba sa sinabi ko ang hirap kang intindihin?" bulyaw niya rito.
Pero sa bawat bigkas niya ng salitang iyon ay kabaliktaran ng kanyang nararamdaman.

"Love, 'di ba sabay nating bubuuin ang mga pangarap nating dalawa? Malapit na, oh? Kunting tiis na lang. Nangako naman tayo sa isa't isa 'di ba na tayo lang hanggang wakas? 'Wag mo naman akong iwan, love, please."

Kita niya ang hirap sa mukha nito at pagsasalita. Bahagya pa itong pumiyok sa huling linya.

Umiling siya.

"Tama na. Huwag mo nang paasahin ang sarili mo. Hindi tayo magka-level at iyon ang totoo. Hindi ko maaatim na makatuluyan ang isang hamak na hampas-lupa lamang. Sana ay huli na nating pagkikita ito, nakakasura ang pagmumukha mo!" sabay talikod at malakas na sinarado ang gate. Rinig niya sa labas ang pagtawag nito sa kanyang pangalan.

Kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan ay ang walang humpay na pag-agos ng kanyang luha. Tila hiniwa ng sandamakmak na kutsilyo ang puso niya.

'Sana'y maunawaan mo balang araw, love, kung bakit ko ito ginawa.' sambit ng isip niya.

Ilang taon na ang lumipas. Itinuon ni Mae ang isip at katawan sa trabaho. Naging maganda ang balik sa kan'ya ng kapalaran. Sa loob ng dalawang taon ay nasungkit kaagad niya ang posisyon bilang Finance Manager.

Hanggang isang araw, isang 'di inaasahang bisita ang dumating. Ang bagong may-ari ng kompanyang pinagtatrabahoan niya.

The new version of Jacob.

Kakayanin kaya niyang tiisin ang malamig na pakikitungo nito sa kan'ya?

Unfold

Tags: billionairerevengepossessivesecond chancearrogantpowerfultwistedbxgfirst loveengineer
Latest Updated
FINALE

 

*** JACOB ***

 

Hindi niya mapigilang pagmasdan ang magandang mukha ng kanyang asawa. Kasing aliwalas ng kalangitan ang mukha nito habang taimtim na nakikinig sa tagapagsalita sa kanilang harap. Naalala niya tuloy ang kakaibang kaba na kanyang naramdaman no’ng una niya itong nasilayan sa paaralan. Sino bang mag-aakala na ang ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.