THE UNWRITTEN CONTRACT (SPG/TAGALOG)
READING AGE 18+
Matinik pagdating sa mga lalaki si Cecil pero pagdating kay Marion Buenaobra, ang lalaking gustong-gusto niya at matagal nang pinapangarap, ay mukhang kahit kailan ay hindi uubra ang lakas ng karisma niya sa mga lalaki kahit na sobrang malapit ito sa bestfriend niyang si Jonas Mijares. Nang nalaman ni Jonas ang lihim niyang pagtingin kay Marion ay unang beses na pinagbawalan siya nito na magtapat ng nararamdaman para sa isang lalaki. Palagi namang supportive si Jonas pagdating sa mga trip niya sa buhay pero pagdating sa kaibigan nitong si Marion ay tila wala yata itong balak na suportahan siya. Nakinig siya kay Jonas at sinarili na lang ang nararamdaman para kay Marion. Pero isang hindi inaasahang pagkakataon ang dumating at nagtapat si Marion ng pag-ibig kay Cecil. Payag si Marion na maging boyfriend niya ito pero hindi niya inasahan ang kapalit na hinihiling nito sa kanya. She has to end her friendship with Jonas for them to be together.Pero paano kung sa pagsunod niya sa kagustuhan ni Marion ay may mapagtanto siyang isang bagay na kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari sa pagitan nila ng bestfriend niyang si Jonas? What will happen if the thin line between love and friendship starts to blur?
Paano kung sa tuwing iisipin niyang magiging “sila” ni Jonas ay parating tila may nakasulat sa noo nito na malaking UNWRITTEN RULE OF FRIENDSHIP? Magtatapat ba siya ng pag-ibig kay Jonas kung ang kapalit ay pwedeng mawala ang pagkakaibigan nila nito?
Unfold
CECIL
Habang nag peprepare sa triple wedding ng tatlong anak namin ni Jonas ay nakatanggap ulit kami ng good news.
“Mom! Mayumi is pregnant! I’m going home so send someone who can take over my project here!”
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang balita mula kay Justin. Kakasabi niya……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……