FRIENDS CLUB NIGHTMARE ( MOTIBO 4 )
Share:

FRIENDS CLUB NIGHTMARE ( MOTIBO 4 )

READING AGE 16+

samueljsagun1974 Suspense/Thriller

0 read

PROLOGUE: SURVIVOR NARRATIVES
They say you should write what you know. E, ang alam ko ay mga lihim. Alam ko ang tunog ng dagat kapag nagugutom na ito, at ang tingin ng labing-isang magkakaibigan kapag napag-alaman nilang isa sa kanila ay isang halimaw. Nandoon ako nang magsimula ang lahat, sa isla ng Pangasinan na pinagkaitan ng swerte. Isa ako sa Friends Club.
"Tignan n'yo 'yan! Parang gigitgitin tayo ng mga alon!"
Iyan ang desperate na sigaw ng isa sa amin,habang nakakapit sa malamig na barandilya ng pier. "Tama na! Umuwi na tayo, please!"
Ang dagat ay isang nagngangalit na halimaw - kulay abo-berde, malalakas ang daluyong na parang mga dambuhalang pangil.
"Ang drama mo! Ganyan talaga 'yan! Normal lang 'yan dito!"
Ito naman ang sagot ng aming pinuno,na tila ba bulag sa panganib na nakikita naming lahat.
"Normal? Tingnan mo! This is insane!"
Sumigaw ang isa pa,kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata.
Pero mas marami ang nadala sa excitement...
"Sige na!Nandito na tayo eh! Tanaw na tanaw na natin 'yung Isla ang itinuturing na BIRINGAN CITY ng Pangasinan!"
"Ito na'yun! Adventure of a lifetime 'to!"
"Wag kayong mga duwag!"
Ang mga boses ng karamihan ang nagpatibay sa aming kapalaran.
Nang magsalita ang bangkero, parang napatigil ang lahat...
"Mga'Nong, 'Nang. Last trip na 'to. Kapag umalis na kami, wala na kayong masasakyan mamaya. Dito kayo matutulog sa pier."
Nanlumo ang ilan sa amin. "Please... nararamdaman kong may masamang mangyayari."
Pero nadala na kami sa pangungumbinsi. "Sige na! Isang beses lang 'to!"
Payapa na naman kaming nakasapit sa Isla. At masasabi kong worth it din naman ang mga tanawin. Ngunit pagsapit ng dilim, ang masayang bonding sa bonfire ay napalitan ng takot. Biglang naglaho ang isa sa amin. Inakala ng grupo na kinain na siya ng mabangis na alon.
Ang unang nawala sa gabing iyon ay si Ibarra. Sa takot na masisira ang aming mga pangarap sa nursing school at mawawalan ng kinabukasan, nagka-pact of silence kami. Itinabon namin ang katotohanan, kasabay ng paglaho niya.
Mga tanga kami.
Makalipas ang mga taon, isang wedding shower para sa isa sa amin ang nagpabalik sa nakaraan. Ngunit isang malagim na biro pala. Isang libing ang sinalubong namin—sa mismong araw ng anibersaryo ng paglaho ni Ibarra. Parehong petsa, parehong trahedya.
Doon ko na napatunayan—hindi ito malas. Ito ay isang planong mula pa noong gabing iyon. Isang masinop na paghihiganti na naghintay ng mga taon.
Isa-isa, kaming mga natitira ay pinapatay. Ang bigat ng pagdududa ay humigpit na parang bitag. Nagbubulungan na ang mga lihim, nagkakantahan na—lahat para lang makaligtas.
Sinusulat ko ito ngayon bilang patunay. Ako ang tagapag-kuwento ng pangkatin. At ngayon, halos wala na akong mapagkakatiwalaan sa mga natitira. Kailangan kong magtiwala kay Detective Bhie Inson at Detective Leumas Nugas bago mahuli ang lahat.
Ngunit isang tanong ang bumabagabag sa akin:
Ang pagtitiwala kaya sa kanila ang magliligtas sa akin?
O ako, ang may-hawak ng pluma, ang siya palang tunay na kinakatakutan ng lahat?
Mag-ingat ka. Sa kwentong ito, kahit ang nagsasalaysay ay hindi mapagkakatiwalaan.

Unfold

Tags: darkBEstepfatherno-couplegeniusenemies to loverssurrenderpassionate
Latest Updated

Matapos ang speech ni Author U, ang Friends Club ay naglakad palabas ng main hall, diretso sa gallery hallway. Ang bawat hakbang sa makintab na sahig ay may kasamang echo, tila boses ng nakaraan na nagbabalik.

Si Dandred(walang imik) nagtatalo ang isip at puso niya kung sasabihin ba niya sa grupo ang tungkol sa narecieved niyang men……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.