DESPERATE MOVE
READING AGE 18+
“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk...”
“Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE
Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang.
Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose.
Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan.
Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon?
Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Unfold
“Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin.
Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya a……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……