DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 Matthew & Kierstenn

DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK2 MATTHEW & KIERSTENN 973 words 2020-12-02 13:14:47

DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK2

MATTHEW & KIERSTENN 8

Namimiss ni Tenten ang kambal kahit kanina lang ay nakita niya ang mga ito sa video call. Bumuntung hininga siya saka napanguso. Napangalumbaba siya ng may dumating na sasakyang hindi niya kilala. Napakunot noo siya at lumapit siya sa parking area ng villa. Bumaba doon ang isang guwapong tsinito dahil sa pagkasingkit nito nakakahiyang tabihan dahil kung anong puti nina Matthew ay mas maputi pa ito. Biglang ngumiti ito sa kanya ngumiti din siya dito. "Hi!! im Gerald Rayvers friend andiyan ba siya?" Nakangiti nitong tanong. Para siyang nakarinig ng mga nag-aawitan na anghel sa ganda ng boses nito. Nakatingin lang siya sa binata habang nakamot naman ni Gerald ang kanyang ulo. Tumikhim si Matthew at agad napaigtad si Tenten. Inis niya itong tiningnan. "Gerald pasok ka" sabi ni Matthew habang tiningnan niya si Tenten ng masama. Npakurap kurap si Tenten dahil parang nakagawa siya ng kasalanan sa tingin nito. Bubulong bulong siyang sumunod sa mga ito.Sakto namang bumungad si Rayver. "Hey! Gerald long time no see" nakangiting wika ni Rayver at nagkamayan sila saka umupo. Umupo din siya sa isang sofa. "What makes bring you here man" tanong nh binata. "Oh.. golden anniversary kasi nina dad since may sinadya ako malapit dito personal ko ng ibibigay sa inyo ang invitation" sagot ni Gerald. Tumango tango ang dalawa. "Anyway wala pala sina Nathan at ang kanyang darling so kayo nalang aasahan ko dun" patuloy nito saka sumulyap sa kanya. "Bye the way sino siya?" Nakangiti paring tanong niya kay Rayver. "Ahhh..si Kierstenn pinsan ni Grace..ten si Gerald friends namin" pagpapakilala sa kanya ng binata. "Hi!" Ani niya saka niya nginitian ito ng napakatamis. Sumimangot si Matthew. Maya maya pa'y nagpaalam na ito at sa kanya. Kinamayan siya ni Gerald. "I hope to see you there Kierstenn" wika nito habang hawak pa amg kanyang kamay. Tumikhim ng malakas si Matthew at agad kumalas ang kamay ng dalaga sa gulat. Ewan ba niya natataranta talaga siya pag nandito ang binata. Kumaway pa si Gerald sa kanila at umalis na ito. Lalakad na sana siya ng harangan siya ni Matthew. "Kasweet mo naman abnormal" ani nito. Nanlaki ang mata ng dalaga at tinampal niya ang lalaki ngunit hinuli niya ang kanyang kamay. "Get ready tonight we will going para naman mabawasan ang pagka abnormal mo" sabi ng binata. "Pakiialam ko!" Inis niyang sagot dito. Ngumisi si Matthew. "Ayaw mo bang makita si tsinito?" Tuksong tanong nito sa kanya.Ngumiti siya ng nakakaloka. "Oo nga pala ang aking tsinito" tugon ni Tenten. Pinandilatan siya ni Mattew at hinila palabas saka pasalyang ipinasok siya sa kanyang kotse. Nakamaang lang siya sa binata. Pinaandar niya ito at pinaharurot ang kanyang kotse. Tila kinabahan naman si Tenten sa ginagawa ng binata. Huminto sila sa mall nagtatakang sinulyapan niya ito. "Get out" utos nito sa kanya. Inirapan niya ito. "Ayoko" pagmamatigas niya. "Lalabas ka ba diyan o kakaladkarin kita hanggang sa loob ng mall?" Banta nito. "Anong gagawin natin diyan?" Inis niyang tanong. Bumuntong hinga si Matthew. "Bibili tayo ng maisusuot mo meron ka na bang damit?" malumanay na ngayon ang boses ng binata. "Wala pa" mahinang sagot niya. Tiningnan siya ulit ng binata dahil naaasiwa kusa na siyang bumaba. Hawak hawak siya sa kamay ni Matthew ng pumasok sila sa mall. Napakaraming kinikilig sa binata at nakatingin sa kanila. Humaba ang kanyang nguso at inirapan ang mga kababaihang kilig na kilig dito. "Ang nguso mo" wika nito at pinandilatan siya tumgil naman si Tenten sa pagsimangot. Dinala siya nito sa fashion wear and dress section. "Sir Matt good day ano pong maipaglilingkod namin?" Tanong ng saleslady doon. "Hi...i want you to fix her dress for gathering make her presentable" wika niya ito sa saleslady. Tumango ito at inakay siya ng dalaga nagkangitian sila. Maya maya pa ay ipinasok na siya sa fitting room. Unang isinuot sa kanya ang white casual na hanggang tuhod kita ang likod niya ngunit hapit na hapit sa kanya. Lumabas sila para tingnan ito ni Matthew na nakaupo paharap sa kanila. Tiningnan siya nito saka umiling. Bumalik sila sa loob. Isinunod niyang sinuot ang red casual na hanggang tuhod uli hindi kita ang likod ngunit v- shape ang harap kitang kita ang mayaman niyang dibdib. Lumabas siya muntik ng mahulog si Matthew sa kanyang kinauupuan. "Okay po ba?" Tanong ng lady. "No! masyadong expose ang ano...ang mga bola niya" tarantang sagot ng binata. Nandilat siya at mangani nganing sagutin niya ito. Naiinis siyang bumalik sa loob ng fitting room. Sinuot niya ang kulay orange na maiksi ang harapan ngunit medyo mahaba ang laylayan sa likod hapit sa kanya at hindi masyadong malaki ang hiwa sa harap pacurve lang ang harap nito sa may dibdib. Simple pero eleganteng tingnan. Lumabas siya nakita niyang napangiti ang binata. Tumango ito at sinabing okay. Binili iyun ng binata binayaran niya ito at umalis na sila. Sunod nilang pinuntahan ang salon. Pina make-uppan siya ng binata at ng matapos ay ipinasuot niya ang damit na binili saka sapatos na 4 inches ang taas kulay dirty white iyun. Nang maayusan siya ay niyaya na niya itong pauwi at siya naman daw ang magbibihis. Natutuwa siya na naiinis hindi nga siya pumayag tila ang binata pa ang excited na pumunta doon. Pgdating nila ay umalis na daw si Rayver para sunduin ang nobya nito. "Shall we we go?" Untag sa kanya ng binata. Inabot niya ang kamay nito at kapawana sila pumasok sa sasakyan. Habang daan nakikita ni Tenten na lagi siyang sinuaulyapan ni Matthew naaasiwa siya sa ginagawa nito. "Ayan normal ka na para magustuhan ka ni tsinito mo" wika nito maya maya. Umirap siya. "Sana nga" asar niya dito. Tila dumilim ang anyo ni Mattew at walang sabi sabing pinahagibis nito ang kotse ng napakabilis.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.