Tiningnan ni Tenten nang masama si Matthew nang makabawi ito sa kabiglaan. Sinimangutan niya ito at inirapan
"Anong ginagawa ng lamok na iyan dito?" Inis na tanong niya kay Rayver.
Ngumiti sa kanya nag binata at kinawayan niya si Matthew.
"Bawal bang may kasama ako?" Panunudyo dito ni Rayver.
Namula ang dalaga at nagyuko ng makalapit si Matthew. Tumikhim ito at tiningnan siya. Hindi niya ito pinag-aksayahang tiningnan kahit gustong gusto niya.
"So, let's get inside?" Untag sa kanya ni Rayver.
Nag-angat siya ng tingin at aksidenteng kay Matthew siya napatingin. Nakatitig lang ito sa kanya. Pagbaling niya kay Rayver ay naglalakad na ito papasok ng bahay.
"S-sir! Hinatyin mo ako at baka magkadengue pa ako dito sa dambuhalang lamok na nasa tabi ko!" Pahabol niyang sigaw sa binata atsaka muling niyang tiningnan ng masama ito. Mabilis siyang sumunod kay Rayver papasok sa kanilang bahay.
Umiling-iling naman si Matthew at natatawa kay Tenten sa ikinikilos nito. Nagpasya siyang sumunod din sa dalawa papunta sa loob ng bahay. Nadatnan niyang nakaupo na si Rayver sa sala. Nakadekwatro pa ito at nakangising nakatingin sa kanya.
"Ten, wala ka bang kakilalang mga dilag dito? Ipakilala mo naman kami ni Matthew, naghahanap kasi kami." Nakangisi nitong tanong sa dalaga.
Habang si Tenten ay nagtitimpla ng juice sa kusina. Ibinagsak ni Tenten ang kutsarang hawak niya. Nagkatinginan ang dalawa dahil dinig nila ang ginawa ni Tenten. Kinindatan siya ni Rayver ngunit pinandilatan niya ito. Baka mahuli sila ni Tenten, sasabihin pa nitong magkasabwat sila; anyway magkasabwat nga sila.
Tumigil sila nang papalapit na ang dalaga sa kanila hawak ang dalawang baso na may lamang juice. Iniabot niya sa kanila at pairap siya nitong tiningnan. Tumitig lang siya sa dalaga at uminom ng juice.
"Kung mga higad ang hanap niyo, may kabaret sa sentro ng bayang ito doon maraming puputakti sa mga makakating armas niyo," mataray na sagot nito.
Nabuga ni Matthew ang juice na nasa kanyang bunganga samantalang si Rayver naman ay namilipit sa tawa.
"Grabe ka naman Ninenine! Babae ang itinanong ko hindi higad," natatawang tugon ng ni Rayver dito.
Namula naman si Matthew dahil para siyang nasapol sa sinabi ng dalaga.
"Parehas din iyun, higad din ang tawag sa mga babae," mataray pa ring wika nito.
Humakbang papalapit sa kanya si Matthew, dahilan para mapaatras siya. Napasandal siya sa pader kung kaya't di siya makakilos. Inilapit ng binata ang mukha nito sa kanyang mukha. Napapikit siya ng maamoy ang nakalalasing na hininga ng binata.
"Kung ganu'n, higad ka din ba? Babae ka, isa ka ba du'n?" Anas sa kanya ng binata.
Sukat doon ay napamulat siya at itinulak ang binata. Para siyang nasaktan sa sinabi nito at agad nakadama ng galit.
"'Wag mo ako itulad sa mga babaeng nagpakahigad sayo!" Inis na sagot niya dito. Parang may bumara sa kanyang lalamunan at tila maiiyak siya.
Nasasaktan siya sa sinabi ni Matthew kahit sabihin pang ito ay biro. Kahit sino masasaktan sa kanyang sinabi. Nagkasukatan sila nang titig ngunit nag-iwas siya. Baka kasi ipagkanulo siya ng kanyang katawan kapag nagkatitigan sila. Namiss niya ito ng sobra; promise!.
Tumayo si Rayver at tumingin sa kanilang dalawa.
"Rated SPG naman diyan, bata pa po ako," awat niya sa dalawa.
Tiningnan ito ng masama ni Tenten. Nginitian niya ito at kinindatan.
"Isa ka pang ampas ka!" Sigaw niya rito dahil sa inis.
"Relaks! Okay, meron bang dapat kong malaman?" Tanong ni Rayver.
Biglang nagkatinginan ang dalawa. Makikitang tila tuliro ang mukha ni Tenten.
"W-wala, ano bang dapat mong malaman," pagkakaila ni Tenten dito.
Muli siyang sumulyap kay Matthew. Blangko ang expression ng mukha nito na nakatingin sa kanya. Ngunit naalala niya ang nangyari sa party at sa sinabi ng binata sa kanya kanina kaya, bigla na namang maiiyak siya. Nakita iyun ni Matthew kaya lumapit siya ulit sa dalaga.
"Huwag mo akong hawakan," mabilis niyang iniiwas ang kanyang kamay sa pagtatangka ng binata na hawakan iyun.
"Okay, i will go outside so that you two can talk, at aminin niyo ang dapat aminin," biglang sabi ni Rayver sa kanilang dalawa.
Sabay silang tumingin dito at sabay ding nagkatinginan.
"I will explore the nature outside, ayusin niyo ang problema niyong dalawa," pagpapatuloy nito at humakbang na palabas.
Agad naman siyang tumalikod kay Matthew. Tumikhim sila pareho pero wala ni isa sa kanila ang gustong maunang magsalita. Nagulat siya ng biglang may yumakap sa kanyang likuran. Parang dagang naghahabulan sa kanyang dibdib ang pintig ng kanyang puso. Napapikit siya; namiss nita talaga ito ng husto.
"I'm so sorry," bulong ng binata sa kanya.
Naramdaman niya ang lungkot sa boses nito, parang piniga ang kanyang puso.
"Can you forgive me?" Tanong ng binata.
Napapikit muli si Tenten, damang dama niya talaga ang lungkot na nararamdaman ni Matthew. Pinaharap siya ng binata at tininitigan siya nito. Nakayuko lang siya dahil sa hiya at awa sa binata. Iniangat ni Matthew ang kanyang mukha at nagkatitigan sila. Bigla siyang nakadama ng guilt nang makita ang mga mata ng binata. Ang mga matang malungkot na nakita niya noong ikinakasal sina Grace at Nathan. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya kapag nakikita niyang malungkot ang mga mata nito.
Kusang pumatak ang kanyang luha at niyakap niya ang binata.
"Hindi ko naman talaga hinalikan ang babaeng iyun eh," pagpapatuloy ng binata.
Tumango tango siya habang nakayakap sita dito. Bumitaw si Matthew sa pagkakayakap nilang dalawa saka siya tinitigan.
"So, babalik ka na ng Villa kasama ako," wika nito saka pinahid ang kanyang mga luha.
Umiling siya at kiming ngumiti. Nangunot-noo naman ang binata.
"Hindi mo pa ba ako mapapatawad o hindi mo na ako patatawarin?" Malungkot na tanong nito ulit sa kanya.
"Dito muna tayo, magbabakasyon ka di ba?" Mahinang sagot ng binata.
Lumuwang ang ngiti ng binata at niyakap siya muli.
"Akala ko sasabihin mo na namang hahanap ako ng higad, 'wag na lang baka makakuha pa ako nang sakit," pagbibiro niya sa dalaga.
Tinampal niya naman ito sa kanyang braso. Namumula siya sa hiya rito.
"Halika na nga, punta na tayo sa dagat." Pag-iiba ni Tenten sa kanilang usapan.
Ngumiti sa kanya ang binata.
"Sige pero, kiss muna," pilyong tugon ng binata sa sinabi ng dalaga.
Namula si Tenten at muli niyang tinampal ang kamay ng binata saka hinuli ang kanyang kamay. Hinatak siya nito at muling niyakap.
"Pwede?" Anas nito sa kanyang tainga.
Parang nagsitayuan ang kanyang mga balahibo; impokrita kung di niya sasabihing kinikilig siya ng sobra! Promise!. Bigla siyang lumayo dito at umiling-iling ang dalaga.
"Hindi pwede," kunwaring tanggi niya kahit sa kaloob-looban niya ay gustong-gusto na niya talaga.
Humakbang papalapit sa kanya ang binata ngunit natakbo ang dalaga. Sa labas sana siya tatakbo pero sa kwarto siya dinala nang kanyang mga paa. Tumitili siya sa tuwing tatangkain ni Matthew na hulihin siya. Napuno nang tawanan nilang dalawa ang buong kabahayan.
Napagod at nanghina si Tenten sa kakaiwas niya sa pagahabol sa kanya ng binata. Hinfi na siya nakaiwas nang sunggaban siya nitong hulihin at agad hinalikan. Tila nauhaw sila pareho at agad ding tumugon ng halik si Tenten. Ipinahiga siya ni Matthew sa kama at muli siyang hinalikan. Bigla niya itong itinulak at nagtatakang tumingin sa kanya ang binata.
"Why?" Malungkot na tanong nito sa kanya.
Lumunok muna siya bago nagsalita.
"Yung pinto nakabukas," bulong niyang sagot.
Napangisi si Matthew at mabilis na isinarado ang pinto saka inilock. Muli siya nitong sinibasib nang halik na para bang taon ang hindi nila pagkikita. Kapwa sila napaungol. Talaga namang kapwa sila nasabik sa isa't-isa kung kaya't buong laya niya niyang tinanggap si Matthew mula sa kanyang kaluluwa hanggang sa kanyang puso. Nagpaubaya siyang muli at pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pagiging isa.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.