Kabanata 28
Jarella’s POV
Parang wala lang sa akin ang lahat ng nangyari kapag nasa harap ako nila mama at Harvey, ayaw ko lang kasi talagang mag-alala sila sa akin. Nakokonsensiya rin kasi ako na nadamay pa ang mga inosenteng tao dahil lang sa akin. Ako ang puno’t-dulo ng lahat, hindi ko maiwaglit na ako ang nagdala sa lahat sa sitwasyong ito.
Umiiyak na naman ako ngayon sa loob ng aking silid habang naalala ang mga kahapong masasaya, noong hindi pa nangyari ang insidente. Naalala ko ang mga masasayang alaala naming ng mga kaibigan ko, sina Niknik, Stanley, Lorwan at Harvey……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.