Kabanata 67
Helen’s POV
Kami lang dalawa ngayon ng anak ko na si Rylee, kaya naisipan kong maglinis ng bahay. Hindi ko na sana patutulungin si Rylee, pero namimilit ito na tumulong kasi nga raw wala naman siyang ibang gagawin ngayon. Kaya sa bandang huli ay wala na nga akong nagawa, at ngayon nga’y nanlaki ang mata ko nang malamang wala na si Belen.
Paanong nagpakamatay? May problema ba ‘yong tao? Pero sa pagkakaalam ko noon ay hindi naman siya nasisante. At isa pa, nakita ko siya sa mall na namimili ng gamit. Pero sa isang iglap lang ay mawawala lang ito?
&……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.