PARANG mababaliw si Luther ng marinig ang malakas na boses ng isang kasambahay wala raw sa buong bahay si Cariza.
At kahit hindi pa siya pwede mag kikilos ay hindi na niya iyon alintana. Kailangan niyang mahanap ang asawa. Kaya mabilis na sumakay ng sasakyan.
Kasunod ang mga bodyguard ay lumabas sila ng Bachelor’s VIP Village. Habang mabilis ang pagmamaneho ay kausap niya sa cellphone si Wyatt.
“Talagang tinaon nila na hindi ako makagalaw!” aniya habang nagngangalit ang bagang.
“Huminahon ka muna, Tol Luther, magkita tayo sa gate ng mansyon Del Fuego. Hihintayin ka namin dito ni Tol Ruins. Tatawagan ko rin ang mga tropa at assassin.”
“Okay, papunta na ako dyan.” Saka binaba ang cellphone sa gilid ng upuan. Mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Il……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.