KAUSAP ni Luther si Atty. Vince Montemayor. Ang sabi nito ay maghanda na sila para sa nalalapit na unang hearing. Hinihintay lang nito ang schedule mula sa trial court.
Pinuntahan niya ang asawa para gising ito. “Baby ko, gumising ka na at parang meron kang schedule ngayon.” sabay tapik ng bahagya sa balikat nito.
“Daddy Luther, ayaw ko po bumangon inaantok pa ako. Pwede ba na mamaya ako kakain ng almusal?” Hirit pa ni Cariza, antok na antok pa rin siya. Samantalang maaga naman siyang nakatulog kagabi.
“Hindi pwede kailangan mo uminom ng vitamins. Saka ‘di ba monthly check nyo ni Baby?”
“Oh, nakalimutan ko.” Kahit mabigat ang pakiramdam ay napilitan bumangon. Pumasok sa loob ng banyo at mabilis na naligo. Sana lang mabawasan ang bigat ng katawan niya.
Pagla……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.