> NATE’S POV <
PAGLABAS KO NG convenience store, saktong palabas din si Chelsa ng taxi. Nakangiti siya, pero kakaiba ang pakiramdam na nararamdaman ko. Parang may iba sa kanya? Tumakbo siya palapit sa ‘kin at bigla niya na lang akong niyakap.
“Ganun mo ba ako ka-miss?” pabirong tanong ko nang yakapin niya ako. Niyakap ko rin siya, biglang na-miss ko rin siya kahit magkasama lang kami kanina.
“Oo. Sobra.” Seryosong sagot niya at lalong humigpit ang yakap sa ‘kin.
“Hey, may problema ba?”
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.