Tahimik ang lahat habang ipinapasok ang usb sa port ng laptop ngunit nang magsimula ng mag-play ay biglang nabasag ang screen at nagkagulo na ang lahat. Si Nikolai, mabilis na nilundag ang kinalalagyan ng laptop at agad na nakuha ang usb. Ilang magkakasunod na putok ang maririnig sa paligid, nagsiwalaan rin sa pwesto ang kanina ay puro armadong kalalakihan nakatayo roon.
“Brian, umalis na tayo rito!”
“Kung gusto mong umalis ay ikaw na lang, kaya ako naririto dahil kay Hugo Conception. Hindi ako papayag na basta lang siya makakagalaw ng normal pagkatapos niyang barilin si Allanah.” Magsasalita pa sana siya ngunit wala na doon si Brian. Kaya nagpasya na umalis sa lugar, subalit nasa hagdanan pa lamang siya ay may narinig siyang usapan kaya bahagyang lumapit sa pintuan.
“Big boss, kailang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.