They are both Inlove

Dying Inside To Hold You Book 1 1022 words 2021-02-03 14:23:29



DYING INSIDE TO HOLD YOU

Bumababa na siya nang tuluyan mula sa sasakyan at nagpasalamat.

"Little grass," pigil ni Nathaniel sa kanya.

Lumingon siya rito.

"Take care!" Ani nito.

Ngumiti siya at tumango. Umusad na ang sasakayan hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin. Masaya siyang pumasok sa gate ng unibersidad. At magaan ang pakiramdam na pumasok sa kanyang section room. Mababait ang mga kaklase niya, welcome na welcome siya kaya mas ginanahan siyang mag- aral. Hanggang sa natapos na ang lahat ng kanyang subject at uwian na.

Eksaktong nakalabas na siya gate nang nakita niyang pumarada ang sasakyan ni Nathaniel sa harap niya. Lumabas si Tyrone at pinagbuksan siya. Nginitian niya ito at nagpasalamat siya dito.

"How's your day?" Bungad ni Nathaniel sa kanya.

"Great!" Maikli niyang sagot.

Ngumiti ito at sumenyas na kay Mang Kanor.

"If you have a problem, just tell us!" Sabi nito sa kanya.

Tumango siya. Ilang sandali pa ay nakarating sila sa Villa. Nakaupo na doon ang dalawang binata at sila na lang ang hinihintay. Nginitian niya mga ito at ganun din sila.

"Iha ,okay ba ang araw mo sa school?" Masayang tanong ng ginang.

"Yes po! Wala naman pong problema," masaya niya ring sagot.

"Good to hear that! Anyway, enjoy your lunch." Tugon nito at nagsimula na silang kumain.

Madaldal pa rin ang dalawa habang kumakain sila. Lumapit si aling Marta kay Nathaniel at inaabot nito ang telepono.

"Sir, may tawag po kayo si maam Louela daw po!" Ani nito.

Tumigil si Nathaniel sa pagnguya.

"Tell her I am not here, and I'm busy!" Malamig niyang sagot.

Tumingin siya sa binata, tiningnan din siya nito. Nauna siyang nagbaba ng tingin.

"Whoa! Ba't ayaw mong sagutin? Babae na nga naghahabol sayo eh!" Biro ni Matthew.

Hindi ito kumibo, nagpatuloy lang ito sa pagkain.

"Kung ayaw mo, akin na lang!" Wika ni Rayver.

Tumingin ito sa lalaki.

"Go ahead!" Maikling turan ni Nathaniel.

Napatawa si Matthew at umiling- iling ito.

"Tatandang binata ka niyan, cousin!" Dilat ni Rayver.

"Much better! " Tipid pa rin nitong sagot.

Umiling- iling ang dalawang binata. Nakatingin lang si Madam Cess sa kanila ngunit nababalisa siya para kay Nathaniel.

Tahimik ito sa Villa pero, 'pag silang dalawa naman ang magkasama medyo madaldal naman! Sabi ni Graciela sa sarili.

Matapos ang kanilang pananghalian ay nagpahinga sila saglit. Maya- maya pa'y bumalik na siya sa School.

"I will pick you up at, four o'clock " Maya- maya'y wika ni Nathaniel.

"Okay! " Sagot niya at lumabas na siya ng sasakyan.

Nagkatinginan pa sila bago umalis ang sasakyan. Tinambol na naman ang dibdib niya! Huminga siya ng malalim bago pumasok ng gate ng school.

Hapon. May ilang minuto na siyang naghihintay sa gate, wala pa ang sasakyan ni Nathaniel. Maya- maya pa'y natanaw na niyang dumarating na ito. Pinagbuksan siya ni Samuel at nagpasalamat siya.

"Sorry, were late!" Ani ni Nathaniel.

"Okay lang!" Sagot niya.

"Mang Kanor, daan tayo sa mall susunduin natin si Tita." baling nito kay Mang Kanor.

Tumango ang matanda.

"Wala ka bang problema sa mga subject mo?" Tanong ng binata.

"Wala pa naman!" Tugon niya.

"If meron, I can help you!" Wika ulit nito.

"Sige, salamat!" Nahihiyang sagot niya.

Hindi niya namalayang, nakarating na pala sila sa Mall.

"Dito na lang tayo! Sina Mang Kanor na lang, ang susundo kay Tita." Baling nito sa kanya.

Tumango siya. Lumabas sina Mang Kanor. Naiwan si Tyrone pero, nasa gilid ito ng sasakyan sa labas nito.

"Sinong kasama ni Tita Cess?" Naalala niyang itanong.

Kinakabahan kasi siya sa mga titig nito sa kanya.

"Si Mang Ramon," ani nito.

Hinawi ni Nathaniel ang buhok niya sa pisngi. Napalunok siya at namula.

"The call of that girl, don't mind it!" Sabi nito.

Tumingin siya dito. Naalala niya ang babaeng tumawag kaninang tanghali.

"Anyone can approach me but, don't mind them! Just mind me only," patuloy nito.

Napamaang siya. Piningot niya ang ang kanyang ilong.

"Silly, little grass! " Anas nito.

Napakurap- kurap siya! Hindi siya makahinga sa lakas ng tambol sa dibdib niya. Hinawakan ni Nathaniel ang kamay niya.

"Relaks! My little grass," sabay pisil sa kamay niya.

Napayuko siya at napapikit. Napasandig siya sa balikat nito. Marahan siya nitong hinalikan sa ulo, na mas kinapikit niya.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Aangat sana ang ulo niya pero, hinigpitan ni Nathaniel ang pagkakahawak nito sa kanyang ulo.

"Nakatulog ba siya, Nathan?" Tanong ni Madam Cess.

"Opo, Tita!" Sagot nito.

Dahan- dahang binitawan ni Nathan ang kamay niya na hawak niya kanina. At nanatiling nakahilig siya sa balikat nito, habang nakapikit siya. Hiyang- hiya siya talaga!

"Okay! Dito na ako sa harap, tabi na tayo dito Tyrone. " Wika ng Ginang.

Umusad na ang sasakyan. Nanatili siyang gano'n hanggang makarating sila sa Villa. Kung anu- ano ang iniisip niya. Hindi na niya siguro kayang harapin pa si Nathaniel.

Inayyy! Help me! Usal niya.

Villa Inocencio.

"Gisingin mo na siya, Nathan! Mauuna na akong papasok," kapagkuwan ay wika ng Ginang.

Tumango ito.

"Open your eyes now, my little grass!" Anas nito sa tainga ng dalaga.

Napaigtad siya. Dahan- dahan itong umayos ng upo. Nakayuko siya dahil hiyang- hiya siya. Iniangat ni Nathaniel ang mukha niya.

"Go inside," ani nito.

Napakurap siya at dali- daling lumabas. Halos patakbong pumasok siya sa Villa. Napangiti si Nathaniel.

There you are, my little grass!!! aniya sa sarili.

Nag- iinit pa rin ang kanyang pisngi kahit nasa kwarto na siya. Lalo na 'pag naalala niya ang nangyari kanina.

"Nakakahiya!" Bulong niya.

Pumadyak- padyak siya at tumalon- talon.

Ahhh!!! Grace!! Aniya sa kanyang isip.

Sana lumubog na lang siya para 'di na siya makita ni Sir Nathan!!! Impit niyang daing...

Humaba ang nguso niya. Paano ko kaya haharapin ngayon yun? himutok pa rin niya. Nagulat siya nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Grace?" Kilala niya ang tinig na yun..nataranta siya!

Hindi niya alam ang gagawin. Muli itong kumatok.

"Grace?" Ulit nito.

"Ahhmm, tulog ako!" Sagot niya dito.

"Are you sure?" Natatawang sabi ni Nathan.

"O- oo!" Nauutal niyang sagot.

Ngumisi si Nathan.

"Kung talagang natutulog ka, ba't sumasagot ka?" Pambubuking nito.

Hmmp! Anong gagawin ko?! Naguguluhan niyang tanong sa sarili...

Author's notification:

When they are both inlove...two hearts beat as one, aamin na ba sila?

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.