Wala sa isip niya na tumango kahit na namumula na ang kanyang mukha. Pinakawalan siya ng binata at hinila na siya nito papasok sa loob ng Villa. Para siyang tuod na sumunod dito at hindi alintana ang pagkakahawak- kamay nilang dalawa.
Binitawan lang siya ng binata pagkapasok nila. Hindi siya tumititingin dito sapagkat hiyang- hiya siya at may kung ano siyang nararamdaman. Kaagad siyang nagpaalam kay Nathan at dali- dali siyang nagpunta sa dirty kitchen.
Hindi pa rin humuhupa ang tensyong nararamdaman niya. Halos sunod- sunod ang inom niya ng tubig, palakad lakad siya at bubulong- bulong.
"Ghost! Bakit ba, ang lakas ng dating niya!" Bulong sa sarili.
Pumadyak- padyak pa siya at napapapikit. Hindi niya talaga malimutan ang nangyari kanina. Hinaplos niya ang sariling mukha, mainit iyun indikasyon lamang na pulang- pula talaga ang kanyang pisngi.
"Andiyan ka pala, Grace!" Untag ni Madam Cess sa kanya.
Gulat siyang napalingon dito at pinilit ngumiti.
"Are you okay? Namumutla ka," worried na tanong ng ginang.
"Ahhh...okay lng po ako!" pinilit niyang ngumiti at inayos ang kanyang kilos.
"Bukas, sasabay ka kay Nathan. Idadaan ka niya sa school everyday yun, ang lunch dito sa bahay. n
Nakaugalian na naming lahat na, sabay- sabay lagi lalo na sa oras ng kainan" ani nito.
"Ho?!" Dilat niyang lingon sa ginang.
" May problema ba sa sinabi ko, iha?" Tanong ni Madam Cess.
"Ahhmm, wala po! Wala po!" Taranta niyang sagot.
"God! Hindi ko na maiiwasan si Sir Nathan!" Daing ng isipan niya.
"Get ready, iha. Manananghalian na tayo, dumating na yung dalawa." Untag ng ginang sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. Napilitan siyang sumunod dito. Nadatnan niyang nakaupo na ang tatlo. At ang tatamis ng mga ngiti ng dalawa sa kanya. Pakindat- kindat pa si Rayver nang tingnan niya ito. Nginitian niya mga ito.
"How are you, my Grasya?" Tanong ni Matthew sa kanya.
Guwapo din ito, katulad ni Sir Nathan, anang ng isipan niya.
"Okay naman po!" Sagot niya at napayuko siya.
"Bakit may po? Matt na lang, pinapatanda mo ako eh!" Biro ng binata sabay kindat nito sa kanya.
"Kumain ka nang marami ha, Grace?" Si Rayver naman ang nagsalita at muli siyang kinindatan.
"Thank you," tipid niyang ngiti at sumubo na siya ng pagkain.
Tumingin siya kay Nathan. Tahimik lamang ito, tiningnan lang siya pero hindi umimik.
"Let's eat!" Wika nito na sa kanya nakatingin.
Tumalima silang lahat at magana na silang kumain. Pagkatapos nilang kumain ay isa- isa naring umalis ang mga ito. Tinanaw niya ng tingin ang mga ito at napangiti siya.
Masuwerte ang mapapangasawa nila, sabi niya sa kanyang isipan.
Kahit na minsan ay suplado ang isa, mukha namang mababait ang tatlo.
Maya- maya pa ay lumapit sa kanya si Manang Cely. May dala itong buko, nakangiti ito sa kanya habang papalapit.
"Grace, gusto mo ng buko?" Untag ni Manang Cely sa kanya.
"Opo! Gusto ko po," sagot niya sabay ngiti.
"Halika na kusina, may tinira sayo ng tatlong sutil." Tawa niyang sabi.
Tumawa din siya at nagpasalamat.
Ibinigay ni Manang Cely ang dalang buko sa mga guwardiya at niyaya na siya papunta sa kusina. Masaya naman siyang sumunod sa matanda.
"Manang, wala po bang girlfriend yung tatlo?" Naalala niyang tanong sa matanda.
"Nakow! Si, Sir Matt at Rayver papalit- palit ng babae. Si Sir Nathan naman, dalawang beses ko lang yatang nakitang nagdala dito ng babae." sagot ni Manang Cely.
"Pero, alam mo ba? May nag- aasta pa ring nobya niya, kahit hindi na sila. Lagi nga rito yun eh! Nitong mga nakaraang araw lang na, hindi pumunta dito." Patuloy nito.
Tumango- tango siya. At napapaisip, kaya naman pala minsan eh malamig si Sir Nathan nila.
"Ayaw nga namin suplada at tigre hmmpp! Akala mo kung sino," simangot ng matanda.
Ngumiti siya sabay inom sa buko.
"Pagpasensiyahan niyo na lang po, manang." Sagot niya.
"Ano pa nga ba!" Kibit- balikat ni Manang Cely at umiling- iling.
"Marta!" Tawag ni Manang Cely sa kasama niya.
"O, bakit?" Tanong ni Marta.
"Ikaw na muna bahala kay Grace! Dadalhin ko lang itong, buko nina Ramon at Gascon sa garahe." Bilin nito.
"Sige!" Sagot ni Marta at tumingin sa kanya.
Nagkangitian sila at nagbatian.
"Ate nalang itawag mo sa akin," aniya sa kanya.
Tumango siya at ngumiti.
"Apat kami dati, si Manay Cely, Rhoda, ako at ang iyong Ina." Aniya sa kanya.
Pilit siyang ngumiti dito, nalungkot siya ng marinig ang kanyang Inay.
"Alam mo, napakabait niya! Nagulat nga kami, noong malaman namin malubha na pala ang sakit niya." Malungkot na sabi nito.
Nagbabadya ang luha niya at bigla niyang namiss ang kanyang Inay.
"Pero, masaya din kami dahil nandito ka na rin." Ngiti nito sa kanya.
Tumingin siya dito at ngumiti rin siya.
"O, siya ubusin mo na 'yan." Pag- iiba niya ng usapan.
Inubos na nga niya ang kanyang buko, para ikubli ang sana ay luha niya kanina. Nang maubos niya ang buko ay nagpaalam na siya dito.
Pumanhik na siya sa kanyang kwarto. Inilabas niya ang kanyang libro at notebooks. Nagbasa- basa siya at nagsulat- sulat hanggang sa dalawin na siya ng antok.
Kinagabihan. Nagsidatingan na ang tatlong heredero ng Villa Inocencio. Pasalampak na umupo sa sofa si Rayver. Habang nagtataka namang nakatingin sa kanya si Matthew.
"O, parang bad mood ka today?" Pansin ni Matthew.
"Lintik na, gusto ni April pakasal na kami." Iritadong sagot nito.
Mahinang tumawa si Matthew.
"Bro, keep it up!" Pang- aasar nito.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Ako nga eh, naghahanap ako ngayon ng kagaya ni Grasya ko." Ngisi namang sinabi ni Matthew.
Nang biglang hampasin siya ni Nathan sa likod.
"Ouch! Ano ba Nathan! Bakit ba lagi kang nananakit 'pag si Grasya ang pinag uusapan?" Inis nitong turan.
"Dahil hindi siya laruan," sagot nito at binatukan si Matthew.
Napakamot sa ulo ang binata.
"Tell me, couz are you inlove with her?" Tanong din ni Rayver.
Tiningnan siya ni Nathan.
"Isa ka pa!" Sagot nito at binatukan ang binata saka umalis na.
Napailing ang dalawa at napailing- iling.
"Tatandang binata ito," himutok ni Rayver.
Hinimas- himas naman ni Matthew ang kanyang batok. Napapangiwi siya na natatawa. May naaamoy siya pero huwag na muna niyang sabihin kay Rayver. Lalo na at sutil ito at tsismoso.
Mga pasaway! Ani ni Nathan sa kanyang isipan. Pinag- iinteresan si Grace, mga kolokoy! Muling sabi ni Nathan sa kanyang isipan.
Naalala niyang silipin ang dalaga sa kanyang silid. Marahan binuksan ang pintuan at nakita niya ang dalaga. Nakatulog ito padapa. Nagpasya siyang pumasok, marahan lamang ang kanyang mga hakbang at baka magising ito.
Napangiti siya. Nsa harapan nito ang mga libro at notebooks. Hawak pa ng kamay nito ang ginamit na ballpen.Maingat niyang kinuha ang mga iyun at niligpit. Umupo siya sa gilid nito at pinagmasdan ang dalaga.
Silly girl!! sa isip niya. Inayos niya ito at pinahiga ng patihaya. Muli niyang pinagmasdan ito at napangiti siya. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga at pinakatitigan. Magaan talaga ang kanyang loob rito.
Nang magsawa na siya at matiyak na komportable na ang dalaga ay lumabas na siya.

Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.