CHAPTER 45
Sandali akong natahimik nang nasa podyum na ako. Hindi ko agad ako nakapagsalita. Pinipilit kong hindi maluha lalo pa’t kahit ako ang pinakamatalino sa lahat ng magtatapos ay wala akong masabing pamilya. Nagsimulang magbulungan ang mga tao dahil natagalan muna bago ko naibuka ang bibig ko. Alam ako ang ibig sabihin ng bulungan nilang iyon.
Inisa-isa kong binati na muna ang aming mga panauhin. Nang matapos ay muli akong tumahimik. Huminga ako ng malalim. Saka ako muling nagpatuloy.
“Hindi ko akalain na aabot ako sa ganitong pusisyon, sa ganitong puwesto na kung saan may nakasabit na medalya, na may mga karangalan at magbibigay ng isang mensahe at isang inspirasyon sa inyong lahat. Sumabay lamang ako sa takbo ng araw-araw na buhay… siguro nga’y tinumbasan lamang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.