Chapter 11
By Joemar Ancheta
PINAGPALA
“Mahal. Mahal pa rin.” maikli niyang sagot. “Ikaw,bakit ka nandito?”
“Wala, nagpapahangin lang pagkatapos kong magbasa.”
Nakangiti siyang tumingin sa aking binabasa. Inagaw niya iyon sa akin.
“Hmmnn, Makabagong Cinderella?” tumawa siya. “So, feeling mo ikaw si Cinderella? Kaya pala may binanggit ka kanina about Prince Charming. Tigilan mong mag-imagine. Nasa harap mo na kasi ang real one. Masyado ka lang maarte.”
Natawa ako sa pronunciation niya ng maarte. Hindi matigas na maarte. Siya yung pagbigkas pa lang ng salita e maarte na.
Umusog siya malapit sa akin. Naramdaman ko ang siko niya na nakadikit sa aking siko. Parang nakaramdam ako ng pagkuryente. Nilingon ko siya. Tumingin siya sa akin. Ganoon pa rin katindi ang epekt……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.