KINAGABIHAN ay ginising si Tristan ng sunod-sunod na tawag sa kanyang cell phone. Napilitan siyang bumangon para sagutin iyon.
“Come home, Tristan, Mommy is sick.”
Nagising ang diwa ni Tristan at halos madapa siya sa pagmamadaling pumasok sa banyo para maghilamos saka binalikan ang cell phone at tumawag sa kanilang mansiyon. Ngunit ring lang iyon nang ring kaya binitiwan niya ang phone at nagmamadaling kinuha ang wallet saka nagsuot ng jacket. Pinaharurot niya ang kanyang Ducati motor at halos liparin na niya ang highway makarating lang agad sa mansiyon.
Malakas ang ingit ng preno na bumusina at nang mamukhaan siya ng guard ay agad na bumukas ang malaking gate.
Hindi na niya napatay ang makina ng motor niya at agad siyang tumakbo papalapit sa malaking pinto. Agad namang binuksan iyon ng isa pang guard matapos bumati sa kanya.
Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Tristan na nagpabagsak sa kanya sa carpet.
“Assh*le!” Isa pang suntok ang pinakawalan ng kapatid niyang si JM pero hindi siya lumaban. “Stand up! Gag* ka! Isa kang Montemayor pero sinisira mo ang pangalan natin!”
“Kuya, ano ba’ng sinasabi mo?”
Susuntukin pa sana siya uli nito nang sumigaw ang Kuya Charles niya. “Enough, JM!”
Nanginginig sa galit si JM nang ibato sa kanya ang isang envelop at nang bumagsak iyon sa carpet ay sumabog ang laman noon. Halos mamutla siya nang mamataan ang mga hubad niyang picture kasama ang isang lalaking nakahubad din habang nakapatong siya dito.
“Hinayaan ka namin sa mga gusto mo, Tristan. Lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo ay hindi namin kinontra. Ano ang mga ’yan? Magpaliwanag ka! Ano, totoo ba ’yang mga ’yan?”
“Are you gay, Tristan?”
“No, I’m not, Kuya.”
“Go up, brother. Mommy’s waiting for you.” Kalmado ang boses ng Kuya Charles niya.
Masyadong malakas ang suntok sa kanya ng kapatid kaya mahilo-hilo siyang tumayo at naglakad paakyat ng hagdan.
Pagtapat niya sa master’s bedroom ng mga magulang ay nakaramdam siya ng takot. Hindi malaman ni Tristan kung kakatok o itutulak ang pinto, malakas ang kaba ng kanyang dibdib.
“Get in, brother.” Nalingunan niya ang Kuya Charles niya.
Dahan-dahang itinulak niya iyon at sumalubong sa kanya ang amoy ng magkahalong pabango ng mommy at daddy niya. Hindi niya halos maihakbang ang mga paa kung ’di pa siya itinulak ng kapatid.
“Sige na, kanina ka pa hinihintay ni Mommy at Daddy.”
May takot sa mga mata na tinitigan niya ang kapatid na panganay, tinapik naman siya nito sa balikat. Pagkakita sa mga magulang ay agad siyang lumuhod sa mga ito. Doon na niya pinakawalan ang kanina pa gustong tumulong luha.
“Dad, Mom, patawarin po ninyo ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko.”
Nagmamadaling bumaba ng kama ang kanyang ina at agad siyang niyakap nito. “Anak, tumayo ka diyan.” Ngunit hindi siya gumalaw at nanatiling nakaluhod. Wala siyang mukhang maiharap sa ama at ina. Gustuhin man niyang magsalita ay wala siyang alam na salitang dapat sabihin.
Naramdaman na lang niya na hinihila siya ng ama sa braso. “Stand up, son.”
Napahagulgol na lang siya nang yakapin siya nang mahigpit ang ama. “Dad, I’m so sorry, hindi ko sinasadya.”
“Shhh, calm down. Drink water para lumuwag ang dibdib mo.” Inabutan siya ng ina ng isang basong tubig saka niya iyon ininom.
“Now explain, makikinig kami ng mommy mo.” Banayad ang pagkakasabi ng ama pero mababakas ang katigasan niyon.
“He is my best friend for almost five years, nagtatrabaho siya sa studio shop ko. Palagi kaming magkasama. Siya ang laging nasa tabi ko kahit noong time na halos hindi na ako maka-recover dahil sa pag-iwan sa akin ng nag-iisang babaeng minahal ko.”
“Palagi akong lasing ng mga panahong ’yon at parang nanadya pa dahil ilang beses na nagpakita sa akin ang babae na kasama ang lalaking ipinalit niya sa akin.
“Ang pinakamasakit pa ay nalaman kong buntis siya at hindi sa akin ang bata.
“I was totally broken, Dad, Mom. Akala ko mamamatay na ako pero dahil sa best friend ko na palaging nasa tabi ko ay nagawa kong bumangon.
“Mabait siya at itinuring ko siyang higit pa sa isang kaibigan. One day lasing na lasing ako sa isang bar nang may mga grupong dumating at bigla na lang nila akong binugbog at kung wala ang best friend ko, siguro matagal na akong patay.”
Siya lang ang kaisa-isang taong binigyan ko ng tiwala. Gano’n pa man, wala siyang alam sa tunay kong katauhan. Ang pagkakakilala lang niya sa akin ay isa akong professional tattoo artist na si Tristan Briones.
Saksi siya sa mga babaeng dinadala ko sa kama, mga babaeng client na naghahnap ng atensiyon. Then one time, naramdaman ko na lang na kakaiba na ang ikinikilos ng kaibigan ko.
Naramdaman kong lately palagi na siyang galit sa tuwing may mga babaeng nagpapa-tattoo sa akin.
“Until that day na dinala namin sa ospital ang ermat niya dahil kailangang operahan sa appendix at sa VIP room, nangyari po ’yon. Hinayaan ko siya hanggang ginawa na niya ang bagay na iyon sa akin. Gusto ko siyang suntukin at itulak palayo pero hindi ko magawa. Siguro ayaw ko siyang masaktan. Ilang beses kong sinubukang pigilan, Dad, Mom, dahil isa akong Montemayor at may iniingatang reputasyon pero hindi ko magawa. We had s*x, sa banyo then nasundan pa sa studio shop ko. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng mga litratong ’yan. Pero sigurado akong sa kuwarto ng studio shop ko kuha ang mga ’yan.
“Patawarin ninyo ako, Mommy, Daddy.”
“Ang mga ’yan ay nasa pangangalaga ng pinsan mong si Josh. Nangako ang pinsan mo na hindi iyan kakalat. Naka-monitor din ang studio shop mo pati na ang best friend mo na maaaring may kinalaman sa scandal na ’yan.”
“Dad, imposible po na sangkot si Ryan dito. Wala siyang alam sa tunay kong pagkatao. Ano’ng reason bakit niya gagawin sa akin iyon? Isa pa, siya rin ang nagsabi sa akin na malaki ang respeto niya sa akin. Siguro dahil din kilala niya akong tapat na kaibigan.”
“Ang sabi mo dalawa lang kayo doon sa loob. Sino ang maaaring gagawa n’on maliban sa kanya?”
Biglang pumasok sa isipan niya ’yong last client ni Ryan ng araw na ’yon, si Joice.
“Dad, Mom, excuse muna, may tatawagan lang ako.”
Lumayo siya sa mga magulang at dinayal ang cell phone number ni Ryan.
“Dude, nasa’n ka? Kanina pa nandito ang client mo.”
“Listen to me. Ikaw na ang gumawa niyan dahil hindi ako puwede ngayon. Hurry at may mahalaga tayong pag-uusapan. Call me when you’re done.”
“Sure, dude. Bye.”
Idinayal niya naman ang cell phone number ng pinsang si Josh.
“Oh, hi, cousin. What’s up?”
“Can we meet? I want to talk to you personally.”
“Sure. Pupunta na ’ko diyan. Tamang-tama, narito ako sa malapit na mall.”
Halos kaedad ng mga kuya niya ang pinsang quadruplets. Talagang nakakahiya ang scandal niyang ito.
Nagpaalam siya sa mga magulang na bababa na at doon na lang hihintayin ang pinsang si Josh.
“Anak, pagpasensiyahan mo na ang mga kapatid mo, lalo na ang Kuya JM mo.”
“Okay lang po. Kasalanan ko naman, eh.”
Nadatnan niya sa living room ang kapatid na busy sa binabasa kaya dumiretso siya sa kitchen, kumuha ng maiinom at sa back door na siya dumaan patungo sa pool. Doon muna siya habang hinihintay ang pinsan.
Habang nakalawit ang dalawang paa sa gilid ng pool ay hindi niya maiwasang balikan ang panahong dito pa siya nakatira; ang kabataan niya na puro saya at ligaya sa piling ng mga magulang at mapagmahal na mga kapatid. Nakaramdam siya ng kalungkutan at isa-isang bumalik ang mga masasakit na karanasan niya. Hindi namalayan ni Tristan na dumadaloy na pala ang luha niya. Sana nanatili na lang ang kabataan niya nang hindi niya dinanas ang sobrang pait at sakit. Sa piling ng mga kapatid ay wala siyang pagsidlan ng tuwa, damang-dama niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Ngayon ay galit na galit ang mga ito at halos isumpa siya ng Kuya JM niya dahil sa malaking kahihiyang dinala niya sa pamilya. At his age, saka pa nagyari ang ganitong scandal. Sa sarili niya ay kaya niyang harapin ang mga taong maaaring mangutya, pero masasaktan nang sobra ang pamilya niya at hindi niya kayang tanggapin iyon. Lalo na ang kanyang mommy, masyadong masakit para dito ang nangyayaring ito sa kanya. Kaya kailangan niyang magdesisyon. After niyang kausapin ang pinsan ay gagawin niya ang naisip na plano.
Sa ’di-kalayuan ay nakamasid sa kanya ang kapatid na si JM. Nasasaktan siya sa pananakit sa bunsong kapatid. Sa edad ni JM na fifty ay unang beses niyang nalapatan ng kamay si Tristan. Alam niyang masyado itong na-spoiled sa kanilang apat at hindi niya matanggap na nasaktan niya ito nang dahil sa iskandalong nagawa nito. Kahit siya ay nagimbal din sa mga larawang iyon. Hindi niya matanggap na ang pinakamamahal nilang bunso ay isang gay.
Planong lapitan ni JM si Tristan nang dumating ang pinsang si Josh.
“Kuya Josh, pasok. Doon tayo sa living room.”
“Hindi na, pinsan, hindi rin ako magtatagal. Kailangan daw akong makausap ng kapatid mo.”
“Si Tristan ba, Kuya? ’Ayon sa pool. Sandali at ipatatawag ko.”
“H’wag na. Mas mabuting doon na lang kami mag-usap.”
“Sige, take your time.”
Namataan ni JM ang isang maid at tinawag ito. “Dalhan mo sila ng maiinom doon, pakibilisan mo.”
“Yes, sir.”
*****
“HEY! Are you okay?”
Nilingon ni Tristan ang pinsan. “Yeah.”
“Talagang ikaw, puro ka kalokohan. Ano ba ’yang pinaggagagawa mo? Sandali, matanong nga kita. Ano ba’ng feeling?”
Imbes na mainis si Tristan dahil parang iniintriga pa siya nito ay natawa na lang din siya.
“Wala, Kuya.” Saka kakamot-kamot.
“Anong wala? Sige na, kuwento mo sa ’kin para may idea naman ako sa mga gano’n. Sa dami ng kagag*han ko noong araw ay hindi man lang sumagi sa isip ko ’yan.”
“Kuya, parang naghihinayang ka pa sa lagay na ’yan, ah.”
“Pero ano’ng feeling?”
“Hmm. Masarap siyempre. Sobrang sikip no’n, eh. Feel na feel sobra, nakakawala ng lakas.”
“Gag* ka talaga.”
“Hindi ko naman sinadya iyon, pinsan. Siguro nadala lang ako saka gusto ko ring ma-experience.”
“T*ngina, pinsan, h’wag mo nang uulitin itong scandal na ito. Baka sa susunod ay hindi na makayanan ng mommy mo. By the way, ano’ng sasabihin mo sa akin dahil hindi ako puwedeng magtagal at kanina pa umuusok sa galit ang Ate Eloiza mo. Puro daw ako trabaho at ’pag hindi pa ako umuwi ngayong mga oras na ito, outside de kulambo na raw ako, kaya hurry, ano’ng saasbihin mo?”
“Maa-outside de kulambo ka, Kuya, para ako naman ang magtatanong sa ’yo kung ano’ng feeling.” Sabay tawa.
“Gag* ka, bilis na.” At natawa rin ito.
“Kuya, pakiimbestigahan mo ang pangalang ito.” Sabay abot niya sa maliit na papel. “Siya ang huling client ni Ryan no’ng araw na ’yon at sa pagkakaalala ko, ang mga picture na kumalat ay kuha rin no’ng araw na ’yon. About Ryan, palihim mo lang siyang paimbestigahan. Gusto kong malaman ang totoo kung kasabwat ba siya.”
“Sure, pinsan. Bigyan mo ako ng tatlong araw at tatawagan agad kita.”
“Thanks, Kuya.”
Nakaalis na ang pinsan ni Tristan ay nanatili pa rin siya sa pool. Tumayo siya at hinubad ang suot na T-shirt saka ang jogging pants, naiwan ang boxer shorts. Malakas na dive sa pool ang nalingunan ni Charles na kalalabas lang ng back door. Kakausapin sana niya si Tristan, bumalik sa bahay at umakyat sa kuwarto nang suot lang ay shorts saka hubad baro na nagmamadaling bumaba. Nasalubong naman siya ng paakyat na si JM. “Join us?”
“Sure, Kuya. Sige, susunod na ako.”
Malalim ang iniisip ni Tristan nang may bumagsak sa tubig. Hindi agad iyon lumitaw kaya nagulat siya nang may humawak sa isang paa niya.
“K-Kuya!”
“How’s your face? Masakit pa ba?”
“O-Okay lang, medyo.”
“Ano’ng plano mo ngayon?”
“I don’t know, Kuya. Siguro lalabas muna ako ng bansa.”
“What for? Nangako naman si Josh na walang kakalat na mga scandal picture.”
“Siguro para makaiwas na rin, I mean, baka sa malayo makapag-isip ako ng tama.”
Isa pang malakas na bagsak sa tubig ang nagpatigil ng pag-uusap nilang dalawa.
“Come, JM!” sigaw ni Charles dito dahil nasa kabilang dulo ito ng pool.
Mabilis namang nakalangoy sa puwesto nila ang kapatid. Iiwas sana siya dahil baka suntukin na naman siya nito pero nagulat siya nang yakapin siya nito.
“I’m sorry, bunso. Nabigla lang ako at hindi ko napigilan ang galit ko.”
“K-Kuya, sorry, hindi ko sinasadya.”
“Forget it. Basta h’wag na h’wag ka nang gagawa ng scandal na kagaya niyan. Hindi lang para sa p*********i mo ’yan, dala-dala ’yan ng buong angkan natin, lalo na ang mga binata at dalaga mong pamangkin.”
“Pangako, wala nang scandal na ganito.”
>>>
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.