“Tristan, go to the address that I will send via Messenger.”
“Thanks, Kuya Josh.”
Hindi niya alam kung ano’ng gagawin kay Ryan sakaling may kinalaman ito sa scandal nilang dalawa.
Patungo na siya sa ibinigay na address ng pinsang si Josh sakay ng kanyang Ducati motor. Ayaw niyang isiping nakipagsabwatan ang best friend niya ngunit nagsusumiksik sa isipan niya ang posibilidad na kasabwat nga ito. Dahil kung hindi, papaanong nakuhaan sila doon?
Halos twenty minutes din ang tinakbo niya para marating ang lugar. Isang abandonadong building ito. Bakit dito naisipang dalhin ng mga tauhan ng pinsan ang mga iyon?
Mga nakatakip ng mask na itim ang nadatnan niya. Sinalubong siya ng isang matangkad na lalaki at may ibinulong. Agad naman siyang sumunod dito at napahinto siya sa may pintuan. Bumungad sa paningin niya ang puro pasang mukha ni Ryan. Ang babae ay nakatali at may takip ang mukha. Nilapitan niya ang babae at mahigpit na hinawakan ang baba nito.
“Tell me who’s behind the scandal? Ano’ng motibo mo at bakit mo ginawa ’yon?”
“Matagal ko nang alam na may relasyon kayo ng boyfriend ko. Ginawa ko ’yon dahil gusto ko. Isa pa, mang-aagaw ka!”
Napatili ang babae nang pigain niya ang magkabilang pisngi nito. “Who’s behind this?”
“Sa tingin mo ba magagawa kong mag-isa ’yon kung walang kasabwat sa loob ng studio mo? Malamang alam mo na kung sino siya. Nakakadiri kayo, pwe!”
Isang sampal ang tumama sa mukha nito at naghisterikal na sa kasisigaw. Si Ryan ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.
“One last question, who’s behind this, b***h?!”
“Bakit, ano’ng gagawin mo sa kanya, papatayin mo?”
“Yes! I will kill all of of you! Sino’ng kasabwat mo dito? Sabihin mo ang pangalan!”
“Ang boyfriend ko, si R-Ryan!”
Binalingan niya ang kaibigan niya pero panay ang iling nito. “Magsalita ka, f*cker!”
“I-Isa lang ang sasabihin ko sa ’yo, d-dude. I never betrayed you at hindi ko siya girlfriend.”
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Tristan sa tagiliran ni Ryan na naging sanhi ng pamimilipit nito sa sakit.
“Liar! Binigay ko sa ’yo ang tiwala ko. Higit pa sa kaibigan ang trato ko sa ’yo pero traydor ka!” Isa pang suntok sa mukha at tumulo ang dugo sa pumutok na kilay ni Ryan.
“K-Kill me kung hindi ka naniniwala sa akin.” Mahina ang boses nito na siya lang ang nakaririnig. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Tristan nang makitang dumaloy ang luha sa pisngi ni Ryan.
“Sige kayo na ang bahala sa kanila, gawin nyo lahat para mapaamin ang mga yan!”
“Sige boss kami na ang bahala sa mga ito. Bigyan mo lang kami ng isang oras at siguradong kakanta rin ang mga ito.”
Tumalikod na si Tristan at ipinaubaya na sa mga tauhan ang dalawa. At sana lang ay agad na magsabi ng totoo. Dahil kahit paano ay nag alala siya para sa kaibigan.
Sumakay siya ng motor at pinasibad iyon palayo.
Samantala ay panay daing ni Ryan sa ginagawang pagpapahirap sa kaniya ng mga tauhan ng kaibigan. Gustohin man niyang magsalita at sabihing wala talaga siyang kinalaman sa kumalat na ikandalo. Subalit alam naman niyang hindi rin siya paniniwalaan ng mga ito.
“Masasaktan ka lang kaya umamin ka na!”
“K-kahit patayin nyo pa ako ay wala talaga akong alam.
“Malamang na doon nga ang tungo mo kaya mag-isip-isip ka hanggang may panahon pa.
Napahiyaw siya sa sakit ng may tumamang matigas na bagay sa kaniyang katawan. Kasabay ng pagkalugmok ay nawalan siya ng malay.
SA kabilang dako ay ang babaeng umiiyak dahil sa ginagawang pagpapahirap din ditto.
“Kung ayaw mo ring umamin ay mapapagaya ka sa lalaking yon!”
“Bakit ba ang kulit nyo! Sinabi ko na ‘di ba na wala akong alam!”
“Kung ganon ay ituloy nyo ang ginagawa sa babaeng yan! Bahala na kayo ditto at lalabas lang akong sandali.”
“Oh, please stop! Magsasabi na ako ng totoo!”
“Go ahead! Nakikinig ako!” habang dina-dial ang numero ng kanilang boss Tristan.
At lumipas ang sampung minuto ay natanawan nilang parating na ang kanilang boss.
“W-Walang kinalaman si R-Ryan dito at hindi niya ako g-girlfriend. Galit ako sa kanya dahil ayaw niyang pumayag sa gusto ko. I love him mula pa noon. Matagal ko na siyang sinusubaybayan, at noong araw na dalhin niya sa ospital ang nanay niya ay sinundan ko rin siya. Doon ko nalaman na gustong-gusto ka ni Ryan. Nakasilip ako sa pinto at kita ko ang ginagawa niya sa ’yo hanggang nagtungo kayo sa loob ng banyo. Rinig na rinig sa labas ang ginagawa ninyong dalawa. Nang araw na nagpa-tattoo ako sa studio mo ay plinano ko ’yon dahil alam kong may gagawin uli si Ryan sa ’yo, Tristan. Gusto ko siyang gantihan kaya noong nagpaalam akong aalis na ay siya namang pasok niya sa kusina. Sinamantala ko iyon at pumasok ako sa kuwarto mo sa taas. Nagtago ako sa closet mo at naghintay dahil alam kong may gagawin kayo. Nang matapos kayong dalawa ay sabay kayong nakatulog. Kaya nagpasya na akong umalis. Ngunit nilagyan ko ng stick ang pintuan sa main door para hindi iyon mag-lock.”
“Bakit nakarating sa pamilya ko ang mga litratong iyon?”
“Sa bagay na ’yon, hindi ko alam, Tristan. Bumalik ako nang matapos ma-print ang mga picture ninyo saka ko ’yon iniwan sa ibabaw ng table mo sa living room. Alam kong makikita agad iyon ni Ryan kaya doon ko inilagay dahil plano ko iyong gawing pang-blackmail sa kanya.”
“Sinungaling ka! Sino’ng makakapasok sa pinto ng studio ko pagkaalis mo samantalang scan ang lock no’n?!”
Nanahimik ang babae at nag-isip. Isang sampal ang tumama sa mukha nito na ikinaigik niya.
“Wait, may naalala na ako. Nang makalabas ako ng pinto mo, may matangkad na lalaki akong nasalubong sa mismong pintuan. Hindi ko na lang pinansin sa pagmamadali ko.”
“Kayo na ang bahala diyan, tatawagan ko na lang si Kuya.”
“Sige, boss.”
Malapit na siya sa kinapaparadahan ng kanyang motor nang maalala ang kaibigan. Agad siyang tumakbo palapit sa kotseng nakaparada. Naabutan niya ito doon na mapulang-mapula ang mukha. Dahil maputi si Ryan ay kitang-kita sa makinis nitong balat ang mga pasa at galos. Hanggang sa dumating ang may-ari ng kotse na tauhan ng pinsan niya.
“Boss, akin na ang susi ng motor mo. Ako na ang magdadala niyan at ikaw na ang magdala ng kotse. Mukhang kailangan ng kaibigan mong magamot agad, boss.”
Iniabot niya ang susi at ibinigay naman sa kanya ang car key nito. Pinaharurot agad ni Tristan ang kotse patungo sa kanyang penthouse. Malapit ang family doctor nila doon. Kung sa studio pa niya ito dadalhin, baka kung mapa’no na ito. Ayaw naman niyang ipaospital ito, baka kung ano-ano pa’ng itanong sa kanya doon. Bahala na kung ano’ng maging reaksiyon ni Ryan sakaling malaman na nito ang tunay niyang katauhan. Bukas na lang niya iche-chek ang mga CCTV footage ng studio, ang importante ay magamot agad ang kaibigan niya.
Diretso sa basement, nang mai-park ni Tristan ang kotse ay sinubukan niyang gisingin si Ryan ngunit hindi ito gumalaw man lang kaya pinasan niya ito.
Pagkapasok ng elevator ay inilapag muna niya ang may kabigatang kaibigan. Sa tangkad nitong 5’11, halos hindi sila nagkakalayo ng katawan nito. Nang bumukas sng pinto ng elevator ay agad na pinasan niya ulit ito hanggang marating nila ang penthouse niya. Agad niyang in-scan ang sariling palad sa lock ng pinto saka nagmamadaling ibinaba si Ryan sa mahabang sofa. Dinampot niya ang landline at agad na tinawagan ang family doctor nila. Mabilis ang kilos na dinala niya ito sa loob ng banyo at hinubaran saka inilubog sa tub.
Umungol nang malakas si Ryan at nagdilat ng mga mata. Takot ang nakalarawan sa mukha nito. Inilang hakbang naman ito ni Tristan saka mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat.
“Shhh. It’s me, Ryan. Kaya mo bang tumayo? Kailangang magmadali tayo, parating na ang doktor.”
Walang-imik na sinikap na makatayo ni Ryan habang nakaalalay naman siya. Binuksan niya ang shower gel at binuhusan ang buong katawan ng binata saka inabot ang sponge at maingat na pinasadahan ang mga dumi niya sa katawan.
“I’m sorry kung hindi kita pinaniwalaan.”
“A-Ayos lang. Nasaan tayo?”
“Sa bahay ko. Halika na, baka nasa labas na ang doktor.”
Matapos punasan ni Tristan ang buong katawan ni Ryan ay iginiya na siya nito palabas ng banyo. Halos mapanganga naman siya nang tumambad sa kanya ang sobrang laki at napakagandang kuwarto.
“B-Bahay mo ba talaga ’to?”
“Yeah.” Nang makarinig ng doorbell ay agad na inihiga niya ang nagtatakang kaibigan, inangat ang puting comforter saka itinakip sa kahubaran ng binata.
Nasundan na lang ng tingin ni Ryan ang kaibigan na palabas ng pinto. Palinga-linga lang siya sa bawat sulok ng kuwarto. Ngayon unti-unting lumilinaw sa isipan niya kung sino talaga ang kaibigan niya at nakararamdam siya ng panliliit. Dahil kung totoong bahay ito ng best friend niya ay hindi ito ordinaryo.
Bumukas ang pinto at pumasok ang may-edad na doktor kaagapay ang best friend niya.
“Doc, ipinapaalala ko lang sa ’yo, this is confidential.”
“Makakaasa ka, young master.”
Nilapitan siya ni Tristan at inutusang hubarin ang t-shirt. Parang daw makita ng butihing doktor ang mga pasa at galos sa sa kanyang katawan.
“What happened to him?”
“Nagkaro’n ng kaunting gulo sa pinanggalingan namin.” pagsisinungaling niya sa manggagamot.
Agad na lumapit ang doktor at saka iniksamin ang mga pasa niya sa buong katawan. “May mga parting napuruhan siya ng ginamit na matigas na bagay."
"Malala ba ang kalagayan niya doktor?
"Hindi naman masyado, maliban sa dalawang tama niya sa tagiliran at parting pang upo. Kung sakali na hindi magbabago ang sakit sa parting ito hanggang bukas ay dalhin mo siya sa ospital para max-ray. Baka my nabaling buto o nag crack ang ribs niya."
“Here ipainom mo ito sa kanya sa tamang oras. Ang isang ito ay para sa pamamaga at ang isa ay antibiotic. Para mabilis matuyo ang galos at pasa niya sa katawan o mukha. After one week, babalik ako for check-up.
Nang makaalis ang doktor ay binalikan siya ni Tristan saka pumasok sa closet. Inalalayan siya nitong makapagbihis saka nilagyan ng dalawang magkapatong na unan sa ulunan.
“G-Galit ka ba sa akin sa ginawa ko sa ’yo?”
“H-Hindi, at hindi ko kayang magalit sa ’yo. Alam mo naman ’yon, eh.”
“Sorry, baby. Alam kong nasaktan kita. Siguro iniisip mo na masama akong tao.”
“Shhh. Hindi ako nag-iisip ng ganyan sa ’yo. You’re my best friend at buo ang tiwala at respeto ko sa ’yo.”
“Ryan, aalis muna ako. Siguro matatagalan bago tayo magkita uli.”
“D-Dude, b-bakit? Saan ka pupunta?”
“Before that, gusto kong malaman mo kung sino talaga ako. Kagaya ng sinabi mo, ikaw lang din ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko maliban sa pamilya ko.”
Tumayo siya at pumasok uli sa closet. Nang bumalik ay bitbit niya ang lagayan ng mga mahalagang dokumento. Humiga siya sa tabi ni Ryan at inilabas ang kanyang passport saka iniabot sa binata. Gulat na gulat si Ryan nang mabasa ang buong pangalan niya.
“D-Dude, you’re Tristan Dave Briones Montemayor, the young top rank billionaire sa buong Asia? Oh, God, is this true?” Hindi makapaniwala si Ryan.
“Yeah. Kaya nga ’di ba sabi ko sa ’yo, when the time comes, sasabihin ko sa ’yo? At ito na ang oras na iyon.
“Ryan, makinig ka. Iiwan ko sa ’yo ang pamamahala ng lahat ng shop dito sa Pilipinas. Ikaw na ang bahala dahil baka matagalan ako bago makabalik dito. Ang pakiusap ko lang sana sa ’yo ay manatiling lihim ang katauhan ko lalo na sa mga staff ng shop.”
“H-Hindi ba ako puwedeng sumama sa ’yo?” halos pabulong na boses ni Ryan.
“Hindi, dito ka lang. Isa pang reason kung bakit ako lalabas ng bansa ay para makapag-isip ng tama. Hangga’t maaga ay dapat nating mapigilan ang nararamdaman natin para sa isa’t isa. Ngayon na alam mo na ang tunay kong katauhan, alam kong mauunawaan mo kung bakit hindi puwede na maging tayo. Siguro kung naging ordinary man lang ako, hindi ko kailangang lumayo. Pero hindi, eh. Kailangan kong ingatan at pangalagaan ang dala-dala kong apelyido para sa buong angkan ng mga Montemayor. Hindi naman siguro lingid sa ’yo, lahat ng mga Montemayor ay nasa top rank. Hindi ko kayang dungisan ang pangalang iyon.”
Naramdaman ni Tristan na tumagilid si Ryan, alam niyang umiiyak ito. Niyakap na lang niya ito sa likuran at hinayaan lang muna niyang mailabas ang sakit na nararamdaman ng kaibigan.
“Okay ka na ba?”
“Y-Yeah, okay na ako.”
“Kilala ka na ni Kuya Josh dahil sa mga picture natin. Kung magkakaproblema ka sa shop or sa sarili mo, tawagan mo siya. Bago ako umalis ay ipagbibilin kita sa kanya. He’s my first cousin pero nasa mid-fifties na siya. Ang edad niya ay pareho kay Kuya JM at Kuya Charles.
“Alam kong mahirap gawin, Ryan, ngunit nakikiusap ako sa ’yo. Kaunting sakripisyo lang ang gagawin natin, para din sa mga sarili natin ito. Bata ka pa, you’re only twenty-four, malayo pa ang mararating mo. Look at me, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?”
“Y-Yeah. Pangako, susundin ko ang mga sinasabi mo.”
“Ryan, humanap ka ng babaeng makakasama mo. ’Yong mabuting babae na magiging ina ng mga anak mo. Ayaw kong mabalitaan na niloloko at sinasaktan ka lang ng mga lalaki o bababuyin ka lang nila. Gusto kong magkapamilya ka, magkaro’n ng mga anak at asawa. And I promise you na tutulungan kita sa lahat ng kakailanganin mo. Anuman ang namagitan sa ating dalawa ay kalimutan mo na iyon. Basta isipin mo na lang na nasa tabi mo lang lagi ang best friend mo. Mahalaga ka sa akin, Ryan. Limang taon na tayong magkaibigan at sa mga panahong iyon, alam kong naging mabuti kang kaibigan.”
“Makakaasa kang iingatan ko ang pagiging magkaibigan natin. Lahat ng bilin mo ay tutuparin ko.”
“Thanks.”
>>>
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.