Narito pa rin kami sa hospital. Hindi ako pinauwi ng doctor na tumingin sa akin sa taas ng infection ko sa ihi. Ito ang dahilan kung bakit ako nilalagnat.
Gusto kong tumanggi ng sabihin ni Doc na need kong ma-confine, pero si Ninong agad ang sumagot.
“Yes, Doc, please confine her here until she recovers.” Sagot ni Ninong sa Doctor na tumingin sa akin. Wala akong pera at kung sasagutin man ni Ninong ay malaking halaga rin ito. Ipapalista ko na lang at kapag nagkatrabaho ako ay saka ko babayaran.
Isa pang iniiisip ko ay kung sasamahan ako dito ni Ate Yolly ay kawawa naman si Ninong, walang mag-aasikaso sa kanya sa bahay. Nakakahiya ako pa ngayon ang dahilan kung bakit ito umabsent sa trabaho. Pati si Ate Yolly ay naistorbo no rin. “Beatriz, ano ba naman itong nangyari sa iyo? Naka-istorbo ka ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.