Magana namang kumain ang aking asawa tulad nang ginawa niyang pagkain sa akin kanina. Paborito niyang ulam talaga ang kare-kare at paborito rin niya ang aking tahong mapa appetizer o dessert depende sa oras ng kanyang pagkain, ayon sa kanya. Minsan akala ko ay seryoso ang mga sinasabi nito iyon pala ay green jokes na.
May nabasa naman Ako na nagsasabing maganda sa mag-asawa na kapag nag-usap ay haluan ng mga double meaning na salita. At ito madalas ang ginagawa ng aking asawa. Sa salita pa lang ay madalas nilalandi na ako.
Dahil wala si Ate Yolly ay ako lahat ang gumagawa nang trabaho ngayon dito. Masarap pala na ikaw ang nagsisilbi sa asawa mo.
Mamaya naman ay maglalaba ako. Isasalang ko lang naman iyon at hindi ko na kailangan pang bantayan. Babalikan ko na lamang. Kailangan ko rin maghan……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.