CHAPTER 49
"Ano ‘yang ginagawa mo, Tito? Para kang sira. Kung may tao riyan? Bakit ko naman itatago? Pumunta na kayo sa lamay. Malakas ang hangin sa labas tapos nakabukas pa yung mga bintana kaya naisara lang ng hangin ‘yan. Walang ibang tao rito. Ako lang.”
Tumigil siya sa pagpanhik sa taas nang nasa gitna na siya ng hagdanan. “Sigurado ka?”
“Siguradong-sigurado ho ako, Tito. Paano naman makakapasok eh sarado ang buong bahay.”
Tumingin siya sa akin. Sinisigurado niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. Huminga siya ng malalim. “Iba kasi yung kutob ko. Para kasi talagang ng may tao e. ”
“Huwag na kayong magtaka. Kapag dito kayo ng kahit ilang araw, mapapandin ninyong madalas 'yan na nangyayari rito."
“Hindi ako tatatagal ng ilang araw rito. Bukas ng gabi, uuwi na ako sa Manila. Hindi ko ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.