CHAPTER 62
Nakatutok ako nag husto sa aming pinapanood. Gusto kong isipin na hindi ako ang gumawa ng iniisip ko. Sana lang hindi talaga. Makikita sa video na naunang dahan-dahang bumangon si Lucas habang himbing na himbing pa ako. Nang nakalabas na si Lucas sa kuwarto ko ay siya namang biglaan kong paggising. Bumangon agad ako. Mabilis ang bawat kilos ko na para bang may hinahabol ako. Dali-dali akong bumaba sa hagdanan. Malikot ang aking mga mata. Parang may gusto akong gawin. Ilang sandali pa’y tinungo ko ang kusina. Nilingon ko si Lucas nang nakita kong naging dalawa na ang screen sa pinapanood ko. Makikita sa isang screen si Lucas na noon ay inihahanda ni Lucas ang kanyang baril habang sa isang screen, makikita namang nakalabas na ako ng bahay. May tangan akong matalim na itak……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.