1.836K
VISITORS
72

ABOUT ME

Halika na, sumama ka sa aking malikot na mundo >.< FB: Anonimuse Rayter Thanks for visiting ❤️

ABOUT ME

Halika na, sumama ka sa aking malikot na mundo >.< FB: Anonimuse Rayter Thanks for visiting ❤️
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY anonimuse

Kay Helena: Ang Probinsyana

Kay Helena: Ang Probinsyana

Reads

Hindi maikakailang maganda ang dalagang may labit-labit na balde ng tubig. Kahit na nakayuko ito ay mababakas ang maamo at kaakit akit nitong mukha. Si Eros ay nagbabakasyon sa probinsyang iyon nang magawi sila ng kaniyang mga pinsan sa paa ng bundok na hindi naman kalayuan sa bahay ng kaniyang tiyo. "Anton, sino iyon?" tanong niya sa pinsang nanginginain ng mangga. "Si Helena yan" pabulong na sagot nito sa pagitan ng pagnguya sa prutas. "Huwag na huwag mong sisipulan o sasabihan ng masama, mas maigi pang huwag mong titigan" namimilog ang mga mata pang sabi nito sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin e titingnan ko lang naman o magpapakilala ako, hindi ko babastusin" akmang lalapit siya sa dalaga nang hilahin ni Anton ang kaniyang mga kamay. Hinawakan siya nito ng mahigpit at nang makalayo layo na ang dalaga ay saka ito nagsalita. "Huwag kang magkakamali pinsan, baka bukas hindi ka na namin makitang buhay. Maraming kalalakihang dayo na ang hindi natatagpuan sa tuwing kinukursunada nila ang apo ni aling Huling." saad nito sa mababang boses. Nagulat siya at nagtanong pa. "Bakit naman nawawala?" "Usap- usapang aswang at mambabarang ang lola niyan" Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. Bilang laking siyudad ay hindi na siya naniniwala sa mga ito. Tiningnan niya ang papalayong dalaga. Sa hindi inaasahan ay lumingon ito pabalik at nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti naman siya at kumaway. 'Bahala na, kung mamamatay e ano naman. Basta ba siya ang kakain sa akin!' pilyong sabi niya sa kanyang utak.

Updated at

Read Preview
Room for Rent Gone Wrong

Room for Rent Gone Wrong

Reads

Mahal ang upa sa apartment na nakuha ni Ally. Two-bedroom ito at isa lamang naman ang kaniyang okupado. sa 6,000 na upa ay umaaray ang kaniyang bulsa kada buwan na bayaran ng bills. Bukod pa dito ang kuryente, internet at tubig. Isa na ang apartment na iyon sa pinakamurang apartment sa siyudad na kaniyang nilipatan. Ang iba ay kung hindi pangit ang ventilation ay masyadong masikip, yung iba naman ay hindi niya afford. Nagsimula na ang kaniyang training sa pinagtratrabahuhang kumpanya kung kaya't hindi na siya masyadong nakapag isip ng kinuha ang apartment. Ngayon ay naghahanap siya ng makakasama dito. Siguro babae o couple okay na. Nag post siya online kung sino ang nais magrenta ng kuwarto. Maya maya pa ay nakatanggap siya ng chat galing sa kaniyang kaibigan nuong kolehiyo na si Marah. 'Ally baka puwede ang kapatid ko, diyan muna 3 weeks lang naman pero ang ibabayad na niya sa iyo ay pang isang buwan' napangiti siya. Siyempre gusto niya yun dahil kapatid ito ng kakilala niya. Hindi rin iba kumbaga. Nagreply siya. 'Sige sige. Kailan ba ?' 'Sa linggo na sana kung pwede, diyan muna siya habang hindi pa nakakahanap ng permanenteng malilipatan. Mag start na den kasi ang work niya sa Biñan e' sagot nito. 'Okay, nagwowork na pala si Camille haha kala ko college palang iyon' saad niya. Bata pa ang kapatid nito sa pagkakatanda niya. 'Haha! hindi si Camille, si kuya ko. Huwag ka mag alala mabait yun tsaka nakita mo na yun dati' sabi nito with laughing emoji. Sandaling napatigil ang dalaga. Panong hindi niya malilimutan si Patrick! 'A sige Marah, send ko nalang sayo ang exact address' sagot na lamang niya. Siguro naman limot na ng kapatid nito ang mga nakakahiyang bagay na ginawa niya noon. 'Sana nga' bulong niya sa sarili

Updated at

Read Preview
All of Me (P.E.E.R.S Series) Book 1:Georgina

All of Me (P.E.E.R.S Series) Book 1:Georgina

Reads

Since first year high school crush ko na siya. I love stargazing and I wished our paths would cross eventually. He's a bad boy and I thought I could change him. He noticed me, it's hard to get married at 19 you know. It's hard when you're not who he considered his great love. Was I the only one inlove? I regret nothing though since I gave my all. Tragic isn't it? Sigh. Georgina's Tragedy

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.