Kay Helena: Ang Probinsyana
Share:

Kay Helena: Ang Probinsyana

READING AGE 16+

anonimuse Paranormal Urban

0 read

Hindi maikakailang maganda ang dalagang may labit-labit na balde ng tubig.
Kahit na nakayuko ito ay mababakas ang maamo at kaakit akit nitong mukha.
Si Eros ay nagbabakasyon sa probinsyang iyon nang magawi sila ng kaniyang mga pinsan sa paa ng bundok na hindi naman kalayuan sa bahay ng kaniyang tiyo.
"Anton, sino iyon?" tanong niya sa pinsang nanginginain ng mangga.
"Si Helena yan" pabulong na sagot nito sa pagitan ng pagnguya sa prutas. "Huwag na huwag mong sisipulan o sasabihan ng masama, mas maigi pang huwag mong titigan" namimilog ang mga mata pang sabi nito sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin e titingnan ko lang naman o magpapakilala ako, hindi ko babastusin" akmang lalapit siya sa dalaga nang hilahin ni Anton ang kaniyang mga kamay. Hinawakan siya nito ng mahigpit at nang makalayo layo na ang dalaga ay saka ito nagsalita.

"Huwag kang magkakamali pinsan, baka bukas hindi ka na namin makitang buhay. Maraming kalalakihang dayo na ang hindi natatagpuan sa tuwing kinukursunada nila ang apo ni aling Huling." saad nito sa mababang boses. Nagulat siya at nagtanong pa.
"Bakit naman nawawala?"
"Usap- usapang aswang at mambabarang ang lola niyan"
Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. Bilang laking siyudad ay hindi na siya naniniwala sa mga ito.
Tiningnan niya ang papalayong dalaga. Sa hindi inaasahan ay lumingon ito pabalik at nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti naman siya at kumaway.
'Bahala na, kung mamamatay e ano naman. Basta ba siya ang kakain sa akin!' pilyong sabi niya sa kanyang utak.

Unfold

Tags: playboykickingmysterysmall townwitchcraftsupernaturalintersexlove at the first sightsurrendercivilian
Latest Updated
Kabanata 40.

Napakunot ang noo niya, “Saan ka pupunta?” uuwi na ba ito? Babalik na ba sa Manila? Saan? Sino kasama? Baka may babae…

Ang dami nang katanungan sa kaniyang isip ngunit pinanatili na lamang niya iyon sa kaniyang utak. Naghintay ng isasagot ni Eros.

“Sa Puerto Galera kasama ang mga kaibigan ko. Dadalhan ko kayong pasalub……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.