Tahimik ang buhay ng probinsyanang si Georgina Alonzo bago mangyari ang sakuna sa kanilang pamilya. Tuluyang naulila sila ng kapatid niya sa mga magulang kung kaya’t kinupkop sila ng mga amo ng namayapang ama. Sa pagtira nila sa mansyon ng mga ito ay doon niya makikilala ang angkan ng mga Salvatore. Sa isang tagpong hindi niya inaasahan, sabay niyang nakaharap ang tatlong nagaguwapuhang mga lalaki sa kusina kung saan napagkamalan pa siyang katulong ng mga ito. Paano niya haharapin ang mga ito kung sa pagdaan ng mga araw ay matutuklasan niya ang iba’t ibang personalidad ng mga Salvatore? Na kalauna’y hindi mapipigilang mahulog ang loob sa panganay na anak na si Donnelly Salvatore, ang lalaking nagsusungit lagi at tila walang pakialam sa kanyang nararamdaman. May pag-asa kayang lumigaya ang dati’y tahimik niyang mundo na ginulo nito?
Dwight Flenn Mclorey is a happy-go-lucky casanova who enjoys drag racing. He’s a protective and sweet cousin to Georgina. Sa pagbisita niya sa pinsan sa Pilipinas ay nagkaroon siya ng kaugnayan sa angkan ng babaeng gabi-gabing laman ng kanyang pantasya—si Donessa Salvatore. Inaamin niya sa sarili na naagaw nito ang kanyang atensyon sa unang pagkikita pa lang nila, at doon siya nakagawa ng bagay na nagpabago sa lahat. Kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas para alalayan ang pinsan na naaksidente at nauwi sa amnesia na tumagal ng limang taon. Iyon din ang pagkakataon ng muli nilang pagkikita. It seems like, Donessa is a witch who casts a spell for him to worship her—and she succeeded. Ngunit kung kailan nahumaling na siya rito ay saka naman nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Kasabay niyon ang pagkatuklas niya sa bagay na siyang nagpadurog sa kanyang pagkatao, because she planned everything. Donessa is a heartless Salvatore!
Unang kita pa lang ni Monique kay Dome sa ospital, kung saan naka-confine ang kanyang kaibigan na si Georgina, ay nabihag kaagad nito ang kanyang puso. Lagi ring naroon ang lalaki sa bawat dalaw niya kaya hindi malabong umusbong ang damdamin niya para dito. Mula noon ay hindi na natahimik ang kanyang isipan. She became a stalker dahilan para malaman niyang isa itong sikat na pintor. Hindi man niya hilig iyon, pero naging number one fan pa rin siya nito. Umabot nang halos limang taon ang pagtitiyaga niya para sundan ito pero sadyang mailap ang lalaki dahil kaibigan pala niya ang gusto ni Dome. Problema sa pamilya ang siyang nagpatigil kay Monique para ituloy ang pagsunod sa lalaki dahil kailangan niyang pakasalan ang dating kababata. May paraan pa ba para makatakas siya sa kinasusuungang sitwasyon, kung sa huling araw ng pagiging malaya niya ay saka pa lamang nagtapat na may gusto na rin sa kanya si Dome?
Matapos ang limang taon na pagkakakulong, naisipan ni Edam Javier Castelo na magbagong buhay pero hindi kasama ang puso niyang umiibig pa rin sa taong siyang dahilan ng kanyang madilim na nakaraan– si Nathalia . Ngunit hindi mabubura ng pangyayari ang katotohanang ikinasal sila bago siya nahatulan sa selda. Sa kanyang pagbabalik, tiniis niya ang galit na nakikita sa mga mata ng pinakamamahal niyang babae makuha lamang muli ang loob nito. May makapipigil ba sa dominanteng katulad niya na handang sundin ng babaeng sa kanya lang din sumusuko? When heart beats as their eyes met, as if Nathalia was being controlled by his dangerous and dominant lover– no one can stop him! And revenge is what he aims. "Hindi ko ginusto pero anong magagawa ko? Alipin mo ako, Edam. Alipin ako ng sakim mong pag-ibig."
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.