Blurb Leopard Asuncion, owner and a CEO of a biggest hardware in the Philippines. Kung baga sila ang pinakamalaking supplier ng iba't ibang hardware sa Pilipinas. Sa hindi inaasahang pagkakataon, umalis ang pinagkakatiwalaan niyang sekretarya. Kaya naman, napilitan siyang humanap ng iba. Alexa Dimagiba, o mas kilala sa tawag na Alex. Matalino, masipag at matyaga. Kaya naman lahat ng trabaho ay kaya niyang papasukin, basta marangal. Tapos naman kasi siya ng secretarial course. Hanggang sa mabalitaan niya ang paghahanap ng secretary ng Asuncion Hardware. May pag-asa pa kayang magkasundo ang boss at ang kanyang sekretarya. Kung ang sekretarya niya, ay mas boss pa sa kanya.
Blurb Leon Diesel De La Costa, is a CEO of De La Costa Shipping Lines ni U.S. Mabuting anak, at kapatid sa kinalakihang pamilya. At the age of four, naging ulilang lubos si Diesel dahil nagcrashed ang sinasakyang eroplano ng mga magulang, na para sana sa second honeymoon ng mga ito. Sa murang edad, ay hindi pa niya ramdam ang sakit na mawalan ng magulang. Pero habang tumatagal, nararamdaman niya ang pangungulila. Ganoon man ang kapalaran ng kanyang mga magulang. Naging masaya naman siya sa kinalakihang pamilya, at itinuring siyang parang tunay na anak. Si Rodrigo De La Costa, ang bunsong kapatid ng kanyang amang si Rodel ang kumupkop sa kanya, kasama ang asawa nitong si Antonia. Tanggap siya ng pamilya nito pati na ang nag-iisa nitong anak na si Lucas. Kahit na alam naman niyang magiging CEO siya ng isa sa pinakamayamang kompanya ay nanatiling mapagpakumbaba ng binata. Hanggang sa makilala niya si Shara Mendez isang simpleng babae na ninais niyang makasama habang buhay. Pero paano matutuloy ang happy ending kung ang babaeng mahal niya ay hindi naman talaga nakalaan sa kanya? Paano magpapatuloy ang buhay kung ang mundo niya ay umiikot lamang dito.
Mabait at magalang na anak, si Anna. Masasabi ding napaka ulirang kapatid. Isa lamang magsasaka ang kanyang ama, nagluluto ng kakanin at naglalabada ang kanyang ina. Dahil high school na ang kanyang mga kapatid ay nagpaubaya muna siya. Siya ang huminto sa pag-aaral, na dapat ay second year college na siya. Dahil siya ang panganay, gusto niyang matupad ang pangarap ng kanyang mga kapatid, kahit hindi na siya. Nagtitinda siya ng mga kakanin na niluluto ng kanyang inay. Dahil hindi sapat ang kanilang kinikita sa araw-araw, napilitang lumuwas ng Manila si Anna. Doon niya nakilala ang isang mayaman na Ginang at inalok siya ng trabaho bilang katulong sa kanyang malaking bahay. Agad naman niya itong tinanggap ng walang pag-aalinlangan. Nakilala naman niya ang anak nitong si Lucas Dimitri De La Costa. Ang lalaking napaka arogante, mayabang at palaging sinusugitan siya. Pero dahil siya si Anna Contreras, kahit kailan ay hindi siya, paaapi.
Blurb Masayahin at hindi kakikitaan ng problema, iyan si Tamar Persimmon Rodriguez. Sa simpleng buhay ay kontento na siya. Hanggang sa maagang binawi ng langit ang kanyang pamilya. Lumuwas siya ng Maynila, para makipagsapalaran. Naging katulong siya ng isang mayamang businessman.Ang maayos niyang buhay ay nagimbal ng isang malalang karamdaman. Hanggang saan ang kayang gawin ni Tamar para lang mabuhay?
Synopsis Mula ng makaalis sa bahay ampunan naging maayos naman ang pamumuhay ni Samantha. Ngunit hindi niya inaasahan ang unos na magbabalik siya sa pag-iisa. Iniwan sila ng kinilala niyang ama. At makalipas ang ilang taon namatay ang kinilala niyang ina. Sa kanyang pag-iisa, at kawalan ng pag-asa, makikilala niya si Dark Wyatt Monreal. Ang binatang bilyonaryo, na masungit pero may kabutihan itinatago, at ubod ng gwapo. Habang magkasama sa iisang bubong, naramdaman nila ang pagmamahal sa piling ng isa't isa. Ngunit isang araw nagbago ang lahat, ng dahil sa isang pangyayari, na magpapabago ng lahat. Masasabi pa bang pagmamahal ang nararamdaman nila kung sa pagdaan ng panahon makalimot ang isa. At sa muli nilang pagkikita, nakatakda na itong ikasal sa iba.
Synopsis Lumaki si Lexa, na kontento at masaya sa buhay. Hindi mayaman, pero sapat lang para sa simpleng pamumuhay. High school ng maranasan niyang magmahal pero pinaglaruan lang siya. Nalaman niya na pinagpustahan lang siya ng lalaking minamahal niya at ng mayayaman nitong kaibigan. Buhat noon, itinatak niya sa puso at isipan na lahat ng lalaki na mayaman manloloko. Hanggang sa nakilala niya si Luke Monteverde. Unang kita pa lang niya dito tumibok na ang puso niya para sa binata. Pero dahil sa takot na maulit ang panloloko sakanya, dahil mayaman ito, nakaramdam siya ng takot. Kahit crush niya si Luke, pinalampas niya ang pagkakataon, ng minsang magtapat ito ng pagmamahal sakanya. Saan hahantong ang pagmamahal nila sa isa't isa, kung ang isang puso ay takot sumubok dahil sa nakaraan niya? Kaya bang ibalik ng tunay na pagmamahal ang tiwalang nawala, o tuluyan na lang itong masisira.
Blurb Lumaking walang kinikilalang magulang at nabuhay ng mag-isa. Naitawid ang sarili hanggang sa magdalaga. Nagtrabaho sa bar bilang waitress. Pero hindi naglaon nakilala ni Lemon Kiwi Bladiconza ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso, si Aster. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon. Naibigay ni Lemon ang sarili sa isang estranghero. Dahil sa inggit ng isang kaibigan ng boyfriend niya. Hanggang sa malaman iyon ni Aster at nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Ikinulong, sinasaktan at ginamit ng paulit-ulit ang katawan niya. Hanggang sa isugod siya sa ospital. Sa tulong ng iba pang kaibigan ni Aster, nakatakas siya sa kamay nito. Pero akala niya makakatakas na siya sa bangungot na dala ni Aster. Malaki ang utang ni Aster sa isang club at siya ang naging kabayaran. Paano makakaahon si Lemon sa lusak na kanyang kinasasadlakan kung ang kanyang sarili ay nalubog na sa putikan?
Blurb Simpleng buhay lang ang nais ni Dimitri. Pero nang nasa labing tatlong taong gulang na siya, doon niya nalaman ang plano ng kanyang ama. Ang ipakasal siya sa anak ng taong malaki ang pagkakautang sa kanila, sa takdang panahon. Pabagsak na noon ang kumpanya ni Amando De Vega, pero sinalo siya ng kaibigan nitong si Damian Sandoval. Kapalit ang pagpapakasal sa unica hija nito. Dahil sa nalaman ni Dimitri. Iniwan niya ang marangyang buhay sa ibang bansa, at bumalik sa Pilipinas kasama ang nag-iisang kapatid na si Love. Sa edad na labing tatlo, ay nakabili siya ng lupa malapit sa bundok. Nakapagpatayo na siya ng malaking bahay, sa tulong ng lolo at lola niya. Sa paglipas ng panahon, nawala ang usapin tungkol sa kasunduan. Wala ng nabanggit ang kanyang ama tungkol dito. Paano kung sa natagpuang bagong kakilala ay matagpuan din ni Dimitri ang babaeng mamahalin niya. Na sa unang beses niyang makita ay baliwala lang ito sa kanya. Sa ikalawang beses ay normal lang din tulad noong una. Ang hindi niya inaasahan ay sa ikatlong beses na makita niya ito, gusto na niya itong ikulong sa puso niya, at akuin na kanya. Ano ang gagawin ng pusong noon lang nakaramdaman ang pagmamahal, hindi lang bilang isang kapatid. Magagawa ba niyang ipaglaban ang babaeng kanyang minamahal. Kung biglang dumating ang kanyang mga magulang at ipilit ang dating kasunduan. Alin ang susundin ni Dimitri? Ang kanyang puso? O ang matagal ng kahilingan ng kanyang mga magulang?
Blurb Hindi man sinasadya pero iyon talaga ang ibinubulong ng puso ni Andrew para sa isang babaeng matagal na niyang kakilala, mula pa noong mga bata pa sila. Wala namang masama dahil, sino ba naman ang ayaw magmahal? Sino ang tatanggi kung ang babaeng isinisigaw ng puso mo, ay siya ding babaeng laman ng isipan mo. Pero paano ipaglalaban ni Andrew ang pagmamahal niya sa babaeng lihim niyang minamahal, mula noong mga bata pa lang sila. Kung nakatakda pala itong ikasal sa iba. Habang ang pinakamasakit na katotohanan kaya hindi niya maamin sa babaeng minamahal na mahal niya ito. Sa kadahilanang, ang kanyang ama, ay kapatid ang ama ng babaeng pinakamamahal niya.
Blurb Cypher Romero, macho gwapito sa palengke ng San Lazaro. Tulad ng mga kaibigan, kailangan niyang kumayod para may maipanlaman sa kumakalam niyang sikmura. Aize Hernandez, lumaking spoiled brat. Dahil sa hindi kaaya-ayang pangyayari na nasaksihan ng ama sa isang bar, ipinadala siya ng probinsya. Buhay na kailan man hindi niya akalaing mararanasan niya. What happened when, Cypher meets Aize? One word answer. Trouble.
Blurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita. Sabi nga ikaw na ang mananawa. Paano kung magtagpo ang isang tahimik at isang madaldal? Kaya kayang paingayin ni Neri ang tahimik na puso ni Jose?
Blurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa likod ng pangmodelong katawan at mukha, hindi siya mayaman. Sabi nga kung hindi siya magtatrabaho walang mangyayari sa buhay niya. Shey Pagsinuhin, maganda, biniyayaan ng maladyosang katawan, higit sa lahat mayaman. Pag-aari nila ang Pagsinuhin Plantation. Lahat ng gusto niya, natutupad sa isang pitik lang. Paano kung sa hindi inaasahan pagkakataon, nagkatagpo ang isang gwapong kargador at isang mayamang walang alam sa buhay at puro utos. Magkasundo kaya sila?
Synopsis Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pagmamahal kung nalaman mong mali na ito simula pa lang? Ano ang gagawin mo kung pati ang langit at batas ay tutol sa inyong pagmamahalan? Paano mo ipaglalaban, ang pagmamahal, na sa una pa lang mali na? Madaming katanungan. Madaming paano. Itutuloy mo pa ba ang pagmamahal mo kung malalaman mong ang babaeng mahal na mahal mo ay anak ng iyong ama? Anak sa kauna-unahang babae na minahal n'ya. Ipaglalaban mo pa ba ang mali, kahit ang paghinto at pagtanggap sa katotohanan ang tama. Ano ang gagawin ng dalawang pusong nagmamahalan kung ang hahadlang sa kanila ay ang masakit na katotohanan? Kaya pa bang ipaglaban ni Matthew Rey Mondragon ang pagmamahal niya kay Maria Thalia Buenaventura, kung kahit ang tadhana ay ayaw sa pag-iibigan nilang dalawa.
Blurb Yahir Hart, mayamang gwapo, pero hindi gaanong nakikisalamuha sa tao. Tuwing gabi lang siya lumalabas, kung may kailangan siyang ayusin o gawin lang. Jean Carandang, isang probinsyana na naghahanap ng trabaho sa Maynila. Doon niya makikita ang isang papel tungkol sa paghahanap ng katulong ng mga Hart. Dahil sa wala naman siyang pagpipilian. Hinanap niya ang bahay ng mga ito.Hanggang sa makarating siya sa harap ng malaking bahay, na parang nakapagpatindig ng kanyang balahibo. Lalo na ng malaman niya na ang makakasama lang niya sa bahay na iyon, ay ang matandang mayordoma, ang hardinero at ang gwapo niyang amo.
Mga kwento ng pagmamahal na hindi mo inaakalang darating, at mangyayari sa buhay ng isang tao. Mga pag-ibig na akala mo kwento lang, pero mangyayari pala sa kwento mo. Mga pagsubok na akala mo, hindi mo malalampasan. Pero sa ngalan ng pag-ibig, nakakayang mong ipaglaban. Ang librong ito ay sumasalamin sa iba't ibang kwento ng pagsubok, pagmamahal at pag-ibig.
Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira sa imahe niya. Pero wala tayong magagawa iyon siya. Iyon si Jarred, doon siya mas kilala. College students sa isang kilalang unibersidad at kumukuha ng kursong engineering. Halos lahat ng babae tumitili sa kanya. Halos lahat ng babae gusto siya. Ella Shelley Aragon maganda, mabait, masunurin at masipag na anak. May pagsisikap sa pag-aaral, hindi gaanong katalino, pero hindi mababa ang grado. Normal lang para sa isang estudyante. Nakilala ni Jarred si Ella sa hindi inaasahang pagkakataon. Bagay na nagpagulo sa magulo ng buhay ni Jarred. Ang mapaglarong puso ni Jarred ay naging stick to one ng makilala si Ella. Ngunit magugulo ang relasyon nila ng isang pangyayari na puro katanungan at walang kasagutan. Magiging masaya pa ba sa piling ng isa't-isa ang dalawang pusong puro pasakit at galit na lang ang nadarama? Kung kahit ang mga katanungan ay sinasagot lang din ng isa pang katanungan.
Blurb Federico Agapito Alonzo, o mas kilala sa tawag na Rico, ang tagapagmana ng Hacienda Alonzo. Mula ng pumanaw ang mga magulang ay umalis siya ng bansa para paghilumin ang sakit sa dulot ng pagkawala ng mga ito. Kaya naiwan lang sa hacienda ay ang kanyang Lolo Ponce. Claudia Sisima Acuzar, anak ng trabahador sa hacienda. Habang lumalaki ay nagkakaroon si Claudia ng pagtingin sa apo ng mga Alonzo. Gwapo kasi ito. Kahit sa larawan lang niya nakikita ang binata ay hindi niya maiwasang mahulog ang loob dito. Hindi man siya nito kilala. Pero ang batang puso niya, umiibig sa pagkakataong hindi niya inaasahan. May pag-asa bang matugunan ang lihim na pagmamahal ni Claudia kay Rico kung sa simula ng pagkikita nila ay pagkadisgusto sa kanya ang ipinaparamdam nito.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.