[Mature Content](R-18)SPG Certified nurse, conservative at disiplinado. Katangiang taglay ni Shy Ledesma na ipinagmamalaki ng kanyang lola at tinitingala ng lahat. Ngunit taliwas ito sa buhay na kinasasadlakan niya ngayon. Malayong-malayo sa pangarap na binuo. Sa halip na syringe ang hawak-hawak niya, mga dokumentong naglalagay ng isang paa niya sa hukay. Trabahong 'di tanggap ng ilan, Secret Agent. Sa pagbabalik niya sa bayan ng Quezon para sa isang misyon, nagbalik din ang pagiging malambot ng puso niya na pinatigas ng tungkulin. Nahulog ang loob niya sa napakabatang Gobernador ng lugar, kay Adam James Smith. Kasabay rin nito ang pagku-krus nila ng landas ni Selena Mendoza na humantong sa kanyang pagkakakulong. Bagay na naging pabor sa kanya. Sa kulungan niya nakalap ang mga impormasyon tungkol kay Lucas Mendoza, ang ama ni Selena Mendoza. Sa kalagitnaan ng kanyang misyon, nangialam si Gov. Smith. Pinalaya siya nito mula sa pagkakakulong kapalit ang maging babae nito na kaniyang tinanggihan. Napuno rin ng takot ang puso niya para sa kanyang lola at pinsan ng unti-unti niyang matuklasan ang mga anomalya sa lugar. Oktagon, grupong pinamumunuan ni Felix Go. Hindi basta-basta ang pader na binangga niya. Ngunit desidido siyang pagbayarin ang mga ito. Ang pagkakabunyag ng kanyang katauhan sa mata ni Gov. Smith ang naging dahilang ng panibago niyang misyon, ang maging babae nito gaya ng unang alok sa kanya. Naguguluhan man sa nararamdaman ay 'di niya pa rin nakaligtaan ang kaniyang misyon. Your Mine
[Mature Content](R-18)SPG Bella Santos. Namulat sa kahirapanp ng buhay. Kaya gagawin niya ang lahat makatulong lamang sa kanyang ina at dalawang kapatid. Nang malaman niyang naghahanap ng kasambahay ang pinakamayamang tao sa lugar nila ay hindi siya nagdalawang-isip na sunggaban ito. Akala niya'y magiging maayos na ang buhay nila lalo at malaki rin ang magiging sweldo niya sa mansiyon ni Mr. Clayton. Ngunit maling akala pala sapagkat simula nang tumuntong siya sa teritoryo nito ay iyon na pala ang malaking pagbabago sa kanyang buhay. Makakaya ba niyang manatili sa bahay ni Marco Clayton na puno ng karahasan? O magtago na lamang habang buhay kaysa sikmurain ang pang-aapi nito? Midnight Lover.
[Mature Content](R-18)SPG Sandy Perez. Sa edad niyang dalawampu’t tatlo ay masasabi niyang puwede na siyang mag-asawa. Kahit papaano ay may pera rin siyang nakaimpok. Pero may lalaki siyang lihim na minamahal. Lahat ginawa niya upang makita ito araw-araw. Wala siyang pakialam kung maging stalker siya. Ang mahalaga lamang sa kanya ay masilayan ang gwapong mukha nito. Kahit ang pagpapapangit ng kanyang sarili ay ginawa niya upang hindi siya makilala ng lalaki. Lalo na at ito ang may-ari ng hospital na kanyang pinapasukan. Pero isang araw ay dumating ang hindi niya inaasahan at talaga naman labis niyang kinatuwa. Nagising siyang katabi ito na kapwa walang saplot sa katawan. Kung paano nangyari ay 'di niya matandaan. May maganda bang kapalarang naghihintay sa tagpong kinasangkutan? Ito na kaya ang tugon sa kanyang hiling? The moment our eyes met . . .
[Mature Content](R-18)SPG Abe Salazar, isang babaeng mapagmahal sa kaniyang Ina at kapatid, ganoon din sa kaniyang boyfriend. Simple lang naman ang gusto niya sa buhay. Ang magkaroon ng matinong boyfriend. At ito na rin ang magiging asawa o makakasama hanggang sa kanyang pagtanda. Ngunit dumating na nga ang hindi niya inaasang pangyayari sa tanang buhay niya. Nang nalaman niya na ibinenta siya ng magaling niyang boyfriend. Ang masaklap pa’y kay Mr. Harris Martin siya ipinagbili sa halagang sampung milyon. Hindi rin naman siya papayag sa nais ni Mr. Harris Martin. Ang gawin siyang babae nito. Ano siya, tanga? Saka kahit piso ay hindi man lang niya nahawakan ang sinasabi nitong sampung milyon. Kaya ang labas niya tuloy ay lagi siyang nagtatago at tumatakbo dahil hinahabol siya ng isang Mafia Lord. Hindi naman siya magpapahuli ng buhay rito. Sabi nga nila tumakbo hanggang may lupa.
Ang sabi nila ang pamilya ang tutulong sa 'yo. Sila ang gagabay at magtutuwid sa lahat ng kamalian mo. Ngunit paano kung sila rin ang dahilan kung bakit naging bato ang puso mo. At lumayo nang tuluyan sa kanila dahil sa maling paniniwala nila. Paano kung dumating ang araw na muli kang bumalik sa iyong pinagmulan. Dahil sa tawag ng tungkulin na hindi mo kayang tanggihan. Makakaya mo bang harapin ang mga taong hinusgahan ka? Noong mga panahong wala kang boses at 'di mo kayang ipagtangol ang sarili mo sa pamamaliit ng iyong pamilya. Makakaya mo rin bang harapin ang lalaking una mong minahal? Ngunit isa rin itong sa mga humusga sa 'yo. Sa pagbabalik mo sa iyong bayan. Magkakaroon ka na kaya ng boses? Upang linisin ang pagkatao mo na niyurakan nila.
[Mature Content](R-18)SPG Jenny Kurtal, bente-anyos na dalaga na nagtatrabaho bilang cashier sa D.W Bank sa loob ng tatlong taon. Sa nakalipas na taon ay wala halos siyang naging problema. Nagulo lamang ang simpleng buhay niya nang magpakita ang may-ari ng bangko para maghanap ng personal assistant. Siniguro ni Jenny na hindi siya ang mapipili ng may-ari. Nang araw din na pupunta ang may-ari sa bangko ay isang makalumang kasuotan ang sinuot niya. Ginawa niya ang lahat para maging pangit sa paningin ng iba lalo na sa boss nila. Naging palagay ang loob niya sa araw na iyon. Isa-isa silang nagpakilala sa harap ng kanilang big boss. Ngunit napunta sa wala ang effort niya dahil siya pa rin ang napili ni Mr. Walker, bilang personal assistant nito. Malaking halaga ang alok nito para sa kaniya sa loob ng isang buwan. Nang marinig ang ‘thirty thousand pesos’ ay walang pag-aalinlangan siyang sumang-ayon. Malaking tulong ang sasahurin niya buwan-buwan para sa kanilang pamilya. Nang araw ding iyon ay nagsimula na siya sa pagiging personal assistant nito. Unang araw pa lamang pero parang gusto niya nang umatras. Sino ba naman ang matutuwa kung ang unang ipinagawa ay ang magbunot ng uban? Hindi naman siya makatanggi kaya labag sa loob na ginawa niya ito. Lalo siyang nagtaka nang makitang wala naman itong puting buhok, hindi mapigilan ng kaniyang bibig na magreklamo. Ang tanging sagot lang sa kaniya nito ay bulag lang daw siya kaya hindi niya ito nakikita. Doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Naranasan niyang laitin at masabihan na mabaho nito. Halos lahat ng napakaimposibleng gawain ay ipinagagawa sa kaniya ni Mr. Walker. Ang tanong niya sa kanyang sarili? Hanggang kailan ba siya magtitiis sa pamanglait na amo?
Tamara Gally, sa edad na dalawampu't lima ay masasabi niyang isa na siyang mahusay na secret agent. Siya ang tao na walang sinasanto, lalo na kung alam niyang nagkasala sa batas. Wala rin siyang pakialam kung wala siyang lovelife. Katwiran niya aanhin niya ang lalaki kung sakit lang ng ulo ang dulot nito sa kanya. Subalit biglang nag-iba ang tinatahak niya. Imbes na maging tuwid ay tila lumiko ito patungo sa taong hindi niya inaasahan. Paano kung sa unang pagkikita pa lang nila ng taong ito ay para na silang langis at tubig na hindi magkasundo. May pag-ibig pa kayang mabuo sa dalawang tao na magkaiba ang mundong ginagalawan.
[Mature Content](R-18)SPG Ada Canlas, isang simpleng manunulat na ang tanging hangad ay mahalin ng kanyang Ina at tanggapin din siya bilang isang anak. Sapagkat simula't sapol sa pagkabata ay halos isuka siya nito. Tahimik na sana ang buhay niya at ang tanging problema lang niya'y ang kanyang magulang. Mas gumulo pa ang lahat at nagkaloko-loko nang dumating ang isang lalaki. Kung saan kahit kailan ay hindi niya sukat akalain na mangyayari sa tanang buhay niya. Ang maholdap ang kanyang underwear. Ang masaklap pa'y isa pa lang Mafia Lord ang kanyang holdaper. Simula nang sumulpot ito sa buhay niya'y nagkamalas-malas na siya. Dahil mahirap pumasok sa mundo ng isang Mafia Lord. Kailangan ba niyang magtago upang bumalik sa normal ang kanyang buhay? O hahayaan na lamang na tuluyang mahulog siya sa lalaki. Lalo at habang tumatagal ang pagsasama nila ay unti-unti ring napapamahal siya rito. Underwear / Mafia Lord Series 5
[Mature Content](R-18)SPG. Shylyn Matigas, isang talamak na mandurukot. Sa edad na bente tres ay masasabi niyang isa na siyang professional sa uri ng kanyang trabaho. Batid niyang sa mata ng Diyos ay mali ang ginagawa niya. Ngunit iyon lamang ang paraan na puwede niyang gawin para may mailaman sa sikmura nilang kumakalam. At sa kagustuhang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mahal na kapatid na si Sheen, niyakap niya ang balukot na katuwirang bumabawas lang siya ng pera sa mga mayayamang target. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging suwerte. Patunay nang dumating ang taong katapat niya, ang Mafia Lord na si Matteo Lane. Masasabing isa siyang lalaking pinagpala. Dahil tila sinalo nito ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae. Hanggang natagpuan niya ang sariling nakayakap dito at hinahalikan. Ginawang panangga ang binata nang minsang habulin siya ng mga awtoridad. Pagkakataong naging pabor kay Matteo, hindi lang sa mala-gayumang halik ni Shylyn kung 'di dahil sa pang-iisa nito sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Shylyn, batid na ni Matteo ang ginawa nitong pandurukot sa kanya. A simple revenge takes place nang walang magawa ang dalaga sa mas mapusok na ganting halik ng binata. And the worst ay nang sapilitan siyang isakay ng huli sa sasakyan at manatili sa poder nito. Pangyayaring nagpatunaw sa pader na binuo ni Shylyn upang 'di mahulog sa tukso. Paano magsisimula muli ang dalaga kung ang dahilan ng kanyang baluktot na katwiran ay binawi sa kanya? Nalagay siya sa alanganin hindi lang ang buhay niya maging ang puso niyang nuknukan ng rupok.
Labing limang taon siya ng maulila sa kanyang pamilya. Wala makapagsabi kung sino ang pumaslang sa mga ito. Akala niya ay magiging maayos na ang buhay niya sa piling ng tiyahin. Ngunit maling akala pala. Tinanggap niya ang masasakit na pananalita at pananakit nito. Pero may hangganan ang kanyang pagtitiis. Tumakas siya sa malupit na tiyahin. Akala niya ay wala nang tutulong sa kanya. Hanggang sa makilala niya si Zach Fuentebella. Nag-alok ito na pag-aaralin siya kapalit ng pagiging Secret Agent niya, pagsapit niya ng dalawampu't tatlong taong gulang. Walang pagdadalawang-isip na sumang-ayon siya sa gusto ng lalaki. Sa panibagong mundong papasukin niya. Dito na ba niya mahahanap ang kapanatagan ng kanyang puso. Dito na rin ba niya makikita ang lalaking magpapatibok sa puso niyang pihikan. Paano, kung iba ang matagpuan niya. At ito pala'y may pagkaisip-bata. Makakaya ba niyang alagaan ang lalaking ito?
Kara Flores, isang babaeng may taglay na angking kagandahan, ngunit nakapaloob sa kaniyang puso ang puot at paghihiganti. Paano kung sa kaniyang paghahanap sa mga taong may kagagawan kung bakit siya nagdurusan, ay magtagpo ang landas nila ng lalaking gugulo sa tahimik niyang puso. Makakaya ba niyang iwasan ang mala ninja moves na ataki nito? Oh, hahayan na lang niyang tuluyang mahulog kay Lex Lord.
“Mayabang at hindi naman gwapo. Mayaman lang siya kaya sobrang sikat. bakit humahanga kayo sa kanya? Para sa akin ay hindi siya gwapo at mukha rin siyang kabayo.” Iyon ang mga binitiwan salita ni Nicole Alvaris kay Hendrex Brown, isang mayamang negosyante, sikat hinahangaan ng mga kababaihan. Nang dahil sa simpleng pang-babash niya sa lalaki ay agad siyang ipinahanap at may patong sa ulo na isang milyon. Hindi niya lubos akalain na sa simpleng pag-comment niya ay mapapansin agad ng hudas na lalaking iyon at ang masaklap pa ay isa pala itong Mafia Lord na kinatatakot dahil sa sobrang sama raw ng pag-uugalin. Kaya kahit ano’ng mangyari ay hinding-hindi siya magpapkita kay Clayola.
Conservative, disiplinado at mukhang pera. Katangiang taglay ni Sky Mondragon. Sa edad na bente tres anyos ay isa na siyang mahusay na Secret Agent. Ngunit taliwas ito sa buhay na kinasasadlakan niya ngayon. Malayong-malayo sa pangarap na binuo niya na dating prinsesa. Sa halip na nakaupo sa isang magandang swivel chair at nakatigil sa malamig na opisina. Ay isang nakakamatay na bagay ang hawak niya, walang iba kundi baril. Hanggang sa dumating na nga ang araw na magtagpo ang landas nila ng lalaking kinaiinisan siya. Siya ang naatasang humawak ng kaso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid at hipag ng lalaki. Siya rin ang mag-aalaga sa pamangkin nitong nawalan ng magulang. Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang trabaho sapagkat malaking halaga ang kapalit nito. Unang tungtong pa lang niya sa bahay ng pamilyang Red ay iba na agad ang pakiramdan niya. Ngunit iba rin ang tingin sa kaniya ni Hanz Red. Sa pananatili niya sa bahay nito magagawa kaya niyang paamuin ang isang Red? Nasa tuwing nakikita siya'y tila gusto siyang sakalin.
PULUBI - R-18 Icel Reyes, pinalayas ng kanyang ama dahil hindi niya sinunod ang kagustuhan nito. Sino ba naman babae ang gugustuhin magpakasal sa lalaking hindi naman niya mahal at bastos ang bibig. Mas lalong hindi niya masikmurang magpakasal sa isang Mafia lord, na ang tanging alam sa buhay ay puro karahasan. Kaya kahit walang sapat na salapi ay tinanggap niya ang hamon ng kanyang ama na lumayas. Mas gugustuhin pa niyang maging pulubi kaysa matali sa lalaking hindi niya gusto. Ngunit paano kung tadhana na ang kumilos upang muli silang pagtagpuin? Muli pa kaya siyang makakatakas sa lalaking ito? Na ang tingin niya rito ay hadlang sa kanyang mga pangarap. Sa mga pusong hindi magkatugma, may mabuo pa kayang pag-ibig sa kanila?
(R-18)SPG Nagmamadali akong tumakbo upang mahabol ko ang lalaking nagkasala sa batas. Nakita kong papasakay na ito sa puting kotse. Kaya mabilis na umikot ang mga mata ko para maghanap ng masasakyan. Lumawak ang ngiti ko nang may mamataan akong sasakyan. Kaya nagmamadali akong lumapit dito sabay bukas ng pinto ng kotse. Mabuti na lamang at hindi ito naka lock kaya agad akong nakapasok sa loob. "Paumanhin sa abala, Mr. Maaari mo bang sundan ang kulay puting kotse na 'yan." Sabay tinuro ko sa sasakyan na nasa unahan namin. "Ano'ng kaya mong ibigay sa akin, Miss?'' tanong ng lalaki na aking kinagulat. "W-what?!" tanging sambit ko. Medyo napalakas pa nga ang tono ng boses ko. "Lahat ng humihingi ng tulong sa akin ay sinisingil ko ng mahal, dahil hindi na uso ang libre ngayon," pahayag ng lalaki. Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinasabi ng aking kaharap. Parang gusto kong manapak ng tao ng mga oras na ito. "Oohh! Wait, hindi ako tumatanggap ng pera dahil marami akong noon. Puwede na siguro ang isang halik mula sa 'yong mga labi. Hindi ko na hinahangad na makita ang mukha mo. Ang gusto ko lamang ay mahalikan ka," saad ng bastos na lalaki. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa lalaking kaharap ko. Ano'ng gagawin ko? Dahil ang first kiss ko ay nakalaan sa lalaking mamahalin ko at hindi sa tao na aking kaharap. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagngisi nitong nakakaloko. Sakalin ko na kaya ito? Nang matauhan man lang. (First kiss) The Agent Series 5
Hindi parte ng bokabularyo ni Zyle Green, ang mga lalaki. At hindi rin siya ang tipo ng babae na basta lang luluhod kapag may dumaang hubad na katawan ng isang lalaki sa kaniyang harapan. Para sa kaniya, gagawin lang alipin ng mga lalaki ang babae. Dahil simula noon bata siya ay nakatatak na iyon sa kanyang isipan, lalo at galing siya sa magulong pamilya, na ang tingin sa kaniyan ay isang bastarda. But she wasn't prepared for Colby--- ang saksakan ng yabang na anak ng amo na pinagsisilbihan ng Ina niya. Unang kita pa lang niya rito ay isinumpa na niya ito. He was everything that she didn't like--- bukod sa mayabang, tila nagbibilang din ito ng nobya. Ngunit paano kung ang lalaking kinaiinisan nito ang magiging misyon niya? Makakaya ba ni Agent Z, na makasama sa iisang bubong ang lalaking sinusuka niya? ABANGAN!
Unang kita pa lang ni Cristine May Dua, kay Dash Max ay sumumpa na siya sa kanyang sarili na paaamuin niya ito. Hindi niya alintana ang pagsusuplado at panonopla nito sa kanya. Mas lalo siyang nagpursige na makuha ang lalaki nang matikman at nakawan niya ng halik nito. Ngunit iba si Dash, sapagkat tila sukang-suka ito sa labi niyang may toxic daw. Naniniwala pa rin naman si Agent Cm sa kasabihan na--- walang matimtimang lalaki sa babaeng matiyagang manuyo. Malakas ang fighting spirit niya na mapapasakanya ang isang Dash, ang lalaking ubod ng ilap. Pero sadyang umaayon sa kanya ang tadhana. Nang malagay sa panganib ang buhay ng binata ay siya ang naatasang magbantay rito. Sa pagsasama nila sa iisang bubong, magkaroon na kaya si Agent Cm na tuluyang maangkin ang lalaking sinisinta? Abangan!
Forbidden Love Contest 🏆 Second Winner🏆 Dahil sa pag-iwan sa kanila ng kaniyang tunay na Ama ay suko hanggang langit ang pagkamuhi ni Erza Silva sa mga lalaki. Kung puwede lang sigurong ipakulam na lang niya ang mga ito ay ginawa na sana niya noon pa. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkrus ang landas nila ng isang lalaki. Nagkataong lango sa alak si Erza, nang basta lang siyang pumasok sa bahay ni Dr. Prince Hanson, dahilan ng pagkakakulong niya ng mahigit isang oras dahil kasong trespassing. Halos isumpa niya ang lalaki sa kaniyang utak. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil nalaman niya na ang lalaking walang modo ay anak pala ng stepfather niya. Ang kinaiinisan pa ni Erza, lahat na lang yata nang galaw niya ay laging nakatingin sa kanya si Prince, na animo'y cctv camera ito. Paano niya matatapos ang misyon kung palaging nakasunod sa kanya si Prince Hanson, lalo na't pinaghihinalaan siyang drug adik nito.
Hazel Fang, sa batang edad ay natutong umibig sa isang lalaki. Lahat ay ginawa niya upang mapasakanya ito. Sabihin ng sakim siya, hindi niya iyon ininda. At nang mabigyan ng pagkakataon ay gumawa siya nang isang hakbang upang tuluyang maangkin si Wallace Barnes. Ang pikutin ito. Para siyang tumama sa lotto nang tuluyan naisagawa ang plano niya para sa lalaki. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman niya nang sumang-ayon ito sa kasal na gusto niya. Ngunit akala niya'y ganoon lang kadali ang buhay may asawa, hindi pala. Doon lang niya napagtanto na labis pala ang pagkamuhi sa kanya ni Wallace dahil sa ginawa niyang pamimikot dito. Halos isuka siya nito at puro masasakit na salita ang mga sinabi nito sa kanya. Tiniis niya ang lahat dahil siya naman talaga ang may kasalanan. Hanggang isang araw ay magdala ng babae si Wallace sa bahay nila. Binalot ng panibugho ang kanyang puso, dahilan upang maitulak niya ang babae. Galit na galit ang kanyang asawa ng araw na 'yun at humantong sa tuluyan siyang palayasin sa bahay nito. Masakit man ang ginawa ni Wallace sa kaniya ng araw na 'yun, hindi pa rin maaalis na mahal niya ito. Ngunit kailangan niyang kalimutan ito at tuluyan magpakalayolayo rito. Sa pagbabalik niya sa Sta. Vanity, dahil sa kanyang misyon. Tuluyan na bang naging matigas ang puso niya para sa dating asawa? Lalo at isa na siyang kasapi ng Secret weapon ng bansa. Magkaroon pa ba sila ng pangalawang pagkakataon upang iparamdam ang pagmamahal sa isa't isa.
Dahil sa sumpa sa kanya ng isang lalaki. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang asawa. Ngunit hindi naman siya papayag na tumandang dalaga. Kaya gumawa siya nang hakbang nang muli niyang nakita si Zach pagkalipas ng maraming taon. Kakausapin niya ito para pakiusapan ito na tanggalin na ang sumpa sa kaniya. Naniniwala kasi si Ella sa kasabihan na kapag galit ang isang tao at nakapagsalita ng ‘di maganda ay nagiging totoo. Nang mabigyan siya ng pagkakataon na makausap ang lalaki ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Ngunit nagulat siya nang sabihin nitong aalisin lang nito ang sumpa sa kanya kung magiging katulong siya sa bahay nito. Papayag ba siya sa alok ni Zach Fuentebella? Paano kung sa gagawing niyang pagpasok sa bahay nito ay hindi na siya makawala sa mga kamay nito.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.