Girl Power—The Blind Wife Entry Si Gregor ang pinagkakatiwalaan ni Ashley sa lahat. Maski sa mga kayamanan at ari-arian na pinamana sa kanya ng mga yumaong magulang ay hinati niya sa lalaki. Ngunit simula nang mabulag siya dahil sa aksidenteng nangyari ay bigla na lamang nagbago ang asawa. Gabi-gabi siyang nakakarinig ng ungol sa kwarto nila, ngunit palaging alibi ng binata ay nanunuod lamang ito ng movie dahil hindi naman na raw niya maibigay ang pangangailangan niya rito. Nagpupuyos ang puso ni Ashley nang malaman ang panggagago sa kanya ng kanyang asawa na si Gregor. Kasama nito ang kalaguyo sa kwarto nilang mag-asawa at nagtatalik. Muli niyang kinumpronta ang asawa ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ito nag-deny at sinabi na sa kanya ang katotohanan. Nagpupuyos ang loob ng dalaga na nilisan ang bahay kahit gabing-gabi na. Dahil bulag siya ay hindi niya kaagad matunton ang daan naging dahilan nang pagkawalan niya ng malay sa daan na nakita naman ni Cloud—ang gwapong manager na nagtra-trabaho sa kompanya ng mga magulang ni Ashley. Tinulungan nito ang dalaga na muling bumangon at magawa muli nito ang gusto. Nakakita nga muli ang nagdalaga at balak nitong bawiin ang lahat ng ari-arian sa dati nitong asawa at ibalik ang lalaki sa orphanage kung saan niya ito nakilala. Sa pagbalik ng kanyang paningin ay nakita nga niya ang kagwapuhan ng binata ang hindi niya inaasahan ay ang babaeng nasa tabi nito. Cloud isn't single! Anong gagawin niya kung nahulog na ang loob niya sa binata, lalo na sa kabaitang taglay nito? Makakaya kaya niyang supilin ang damdamin para hindi makasakit ng ibang tao lalo na sa kapwa niya babae?
Magkalaban ang pamilya nina Duke Salvatore at Amanda Madrigal, dahil dito ay tinuring na rin ng dalaga na kalaban ang gwapong binata. Ngunit ang hindi niya inaasahan na may tinatago pa lang pagtingin pala ang huli sa kanya at hindi siya nito nilulubayan hanggat hindi nito nakukuha ang matamis niyang oo. Limang taon mahigit ang relasyon nila ng binata simula noong una niya itong sinagot. Tiwala siya rito ng lubos ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang biglaan na lang nitong pagbabago. Hinanapan ito ng mga magulang niya ng babaeng ipapakasal dito, at dahil magkalaban ang kanilang pamilya ay hindi siya tanggap ng mga magulang nito. Napilitan siyang lubayan ang binata nang ito na mismo ang bumitaw sa relasyon niya. Umuwi siya sa Casa Trinidad para magliwaliw sa utos na rin ng kanyang ama. Nakilala niya roon si CK Alcantara, naging malapit sila sa isa't-isa at balak sana ng kanyang ama na ipakasal siya rito nang biglaan naman siyang ilayo ni Duke. Mas lalong gumulo ang buhay niya dahil sa dalawang lalaking naging parte ng buhay niya. Makakaya kaya niyang bitawan ang dating pag-ibig para sa bagong usbong? Sino ang lalaking mas matimbang sa kanyang puso?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.