DUKE'S POV
"Matagal pa ba 'yan?" naiinip kong tanong sa lalakeng nagta-tattoo sa akin.
"M-malapit na po 'tong matapos, sir." kinakabahan niyang sagot na halos hindi makatingin nang diretso sa mga mata ko.
I rolled my eyes, humalukipkip at prenteng umupo sa upuan ko. Nandito ako sa Tattoo shop at pinadagdagan ko ang mga tattoo ko sa braso. May session rin ako kahapon at nagpalagay naman ako ng tattoo sa bandang dibdib ko.
Gusto ko na sa oras na makita ako ni Haya ay parang katulad na rin ako ni Kendrick at baka sakaling magustuhan na niya ako dahil nakikita niya ako sa katauhan ni Kendrick.
Alam ko kung nasaan si Haya at kung ano ba ang nangyari sa kanya. Mas maganda nang nandoon muna siya para hindi niya makasama ang ex-bestfriend at traydor kong kaibigan. Paano ko nalaman kung nasaan si Haya? Nabuking ko na two years ago si Jason Salvador aka Jace. Dahil sa magagaling ang Private investigator na hinire ko para hanapin kung nasaan si Haya ay kaagad kong kinausap si Jace na mastermind sa pagdukot kay Haya at sinabi ko sa kanya ang mga nalalaman ko. He thinks that I'm totally giving up Haya dahil sinabi ko sa kanya na magkagalit kami ni Kendrick sa isa't-isa at gusto kong maging miserable ang buhay nito pero hindi niya alam na gusto ko si Haya.
Babawiin ko kung ano ang nararapat para sa akin at hindi ako makakapayag na ang pesteng Jace na iyon ang umangkin sa pag-aari ko.
Pagkatapos akong malagyan ng tattoo ay napangiti ako habang pinagmamasdan sa salamin ang tribal tattoo na pinalagay ko sa kaliwang braso. Kapantay at marami na itong tattoo katulad ng sa kanang braso ko at ngayon ay mas marami na akong tattoo kaysa kay Kendrick.
"It's still an ugly tattoo pero pwede na," sabi ko sa lalakeng nagta-tattoo na sumama ang tingin sa akin dahil sa sinabi ko.
"May problema ka? Baka gusto mong hindi kita bayaran dyan?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.
Kaagad nawala ang masasama niyang tingin. "Wala po, Sir."
Naikot ko ang mga mata ko at naglabas ng pera sa wallet ko. Padabog kong binigay ang bayad ko at pagkatapos ay kaagad na akong lumabas ng Tattoo shop. Nagpunta ako kung saan nakapark ang kotse ko at sumandal dito habang naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan ito.
While I'm smoking ay tumunog ang phone ko at nakatanggap ng photo image sa isa sa mga Private investigator ko. Napangiti ako habang binubuksan ang mga sinend niyang picture na si Haya sa hacienda kung saan ay doon siya tinatago ni Jace.
"I can't wait to get you and be mine..." pagkausap ko sa sarili ko habang tinitingnan ang isang picture ni Haya na stolen shot habang nakatingin sa malayo.
Nang matapos kong tignan ang mga picture ni Haya ay itinapon ko ang upos ng sigarilyo ko at sumakay na sa loob ng kotse ko. Nararamdaman ko na medyo mahapdi pa ang mga pinalagay kong tattoo sa kaliwang braso ko kaya tinanggal ko muna ang suot kong t-shirt.
Nang tinignan ko ang katawan ko ay may parte pa na hindi nalagyan ng tattoo kaya balak kong palagyan ulit ito bukas. Kailangan ko na ring mag-gym dahil isang linggo na ang nakalipas sa huli kong exercise. Hindi naman ako papayag na maging less attractive sa paningin ni Haya dahil ito na lang ang puhunan ko sa sarili ko. Umaasa ako na kapag naging totally maging katulad ako ni Kendrick ay magustuhan na ako ng babaeng mahal ko. I sighed at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Sana magustuhan mo na ako sa oras nang pagkikita natin, Haya. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako, e. Bakit ba kasi hindi mo ako magawang mahalin?" nakatiim-bagang kong sabi.
Masama man ang ugali ko pero nasasaktan rin ako. Si Haya lang ang kayang manakit sa akin ng ganito. Sa inis ko nga sa pagkawala niya ay ibinuking ko na si Riley kay Arissa at ngayon ay hiwalay na sila. Sobrang nagalit sa akin si Riley dahil sa pagbaliktad ko ng istorya na siya ang lahat ng may pakana kung bakit may nangyari kina Kaye at Luis. Sinabi ko rin kay Arissa na ginawa iyon ni Riley dahil sa pagkadesperado nito makuha lang siya. Arissa broke-up with him immediately after I said that.
Riley and I are not in good terms right now pero wala akong pakialam. Nabigo siya sa ginawa kong pabor sa kanya na sa akin lang ang kapatid niya pero napunta lang ito sa walang kwenta at basura na si Kendrick!
Who cares if I don't have a friend anymore? Lahat sila trinaydor ako and one of the best example is Kendrick. Itinuring ko nang parang kapatid ko si Kendrick. Inintindi ko siya sa mga kagaguhan niya sa buhay, at ang akala ko ay hindi niya ako magagawang traydurin pero nagkakamali ako. That's why I don't trust anyone except for myself. Sarili ko na lang ang kakampi ko at gagawin ko ang lahat ng gusto ko maging miserable lang ang buhay ng mga taong trumaydor sa akin.
I call my secretary while I'm still driving. "Book a flight for me at San Mariano. Ayoko ng delayed flight, okay?" I said at kaagad ibinaba ang tawag.
Kailangan ko na sigurong magpakita kay Haya. two years are enough. I really miss her and I can't wait to see her and be with her again.
"We will finally meet again, Haya..."
SHANE'S POV
Ngayon ay nakauwi na si Jason galing sa three days niyang pag-iistay sa Maynila at ito na ang araw kung saan ay ipapasyal niya ako sa labas ng hacienda. I'm wearing a high waist jeans and color maroon crop top na may cardigan. Nilugay ko ang straight brown hair ko na hanggang balikat nalang dahil noong isang linggo bago ako magdebut ay nagpagupit ako ng buhok sa tulong ni Manang Tess. I didn't wear any make up at nagliptint nalang ako.
Jason is wearing a color black plain t-shirt and jeans but he still looks good on what he's wearing. Maputi si Jason at matangkad and he had a body na sakto lang. I know he does exercise at mahahalata iyon sa katawan niya.
"Are you excited?" Jason asked at pinaandar na ang kotse niya.
"Yes! I'm very excited!" nakangiti kong sabi.
Jason nodded. "All I need for you is to behave and stay by my side. Ayoko rin na titingin ka sa ibang lalake na makikita mo mamaya." seryoso niyang sabi. His possessive side again.
"Okay. Got it." sagot ko.
Hindi na umimik si Jason do'n at tahimik nang nagmaneho hanggang sa makalabas na kami ng hacienda. Manghang-mangha ako sa mga tanawin na nakikita ko sa labas ng bintana ng kotse at tama nga si Manang Tess na napakaganda sa San Mariano at mas maganda pa ito kaysa sa loob ng hacienda na kung saan ay iyong mga tanawin lang doon ang palaging nakikita ko.
Very natured ang lugar at malayong-malayo ito sa pagiging siyudad. Puno ng mga puno, halaman at kakaunti lang ang mga bahay na makikita sa bawat daan. Nadaanan pa namin ang isang talon o falls na may mga batang naliligo.
"Ang ganda pala dito sa labas, Jason." mangha kong sabi kay Jason habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana ng kotse.
"I'm glad you like our province, baby." nakangiti niyang sabi.
Pagkalipas nang mahigit kalahating oras ay nakarating na kami sa bayan ng San Mariano. Kumbaga ay ito na ang commercialize city ng buong lugar dahil nandito ang iba't-ibang klase ng mga shops, kainan, at pasyalan na pwedeng puntahan ng mga tao. Inalalayan akong makababa ni Jason sa kotse niya at napaawang ang bibig ko nang nilibot ng tingin ang kabuuan ng bayan ng San Mariano. Maraming mga tao ang nasa paligid na busy sa paglalakad, pakikipag-usap, at mayroon rin'g mga nagtitinda ng kung anu-ano sa paligid. Napapansin ko na napapalingon sa pwesto namin ang mga taong napapadaan na ikinailing ni Jason.
"Kaya ayokong dalhin ka dito sa labas ng San Mariano dahil alam kong pagtitinginan ka ng mga tao." sabi niya at kaagad akong hinapit sa baywang ko.
"Bakit? Tao rin naman ako katulad nila kaya bakit nila ako pagtitinginan?" takang tanong ko.
Umiling si Jason at inumpisahan na naming maglakad. "You're too enchanting that's why they are looking at you. As far as I know, you're the most beautiful girl I've ever seen." he said dahilan para pamulahan ako ng mukha.
"S-Salamat." nahihiya kong sabi na ikinatawa ng mahina ni Jason. He pinched my left cheek na ikinanguso ko.
"You're so cute when you're blushing," nakangisi niyang sabi.
"Stop teasing me!" namumula kong sabi na ikinatawa niya ulit.
Nakarating kami sa isang restaurant na classic ang motif. May mga painting pa sa dingding at gawa lang sa kahoy at kawayan ang kabuuan ng restaurant. Maganda at malawak ito at medyo kakaunti ang m customers na nasa loob. Umupo kami ni Jason sa bakanteng table hanggang sa may isang waiter ang lumapit sa amin at binigay nito ang menu na hawak niya kay Jason.
Ngumiti ako sa waiter na biglang namula sa ginawa ko. Bigla ay sinamaan siya ng tingin ni Jason at padabog na inilapag sa lamesa ang menu na binabasa niya.
"Stop looking at my girlfriend." Jason said.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya habang ang waiter ay napayuko at mukhang napahiya.
"Sorry po, Sir." Jason rolled his eyes at him at sinabi na ang mga order namin. Siya nalang ang pumili ng oorderin ko dahil wala naman akong ideya sa mga pagkain na nandito.
Pagkaalis ng waiter at nang makuha na nito ang order namin ay doon ko na kinausap si Jason.
"Why did you do that? Mukhang napahiya pa 'yong waiter dahil sa sinabi mo sa kanya. He didn't do anything bad." I said.
"Are you defending him, Shane? He's staring at you in front of me and he's blushing like a love sick puppy guy for sake tapos nginingitian mo pa?!" sarkastiko niyang sabi.
"Of course, because I don't want to be rude at him. He's only looking at me and there's nothing wrong about that. You're being jealous again for no reason!" sabi ko sa inis.
He we go again with Jason's jealousy. Kahit sa kaibigan niyang si Kuya Karl na nginingitian lang ako ay nagseselos rin siya at halos magwala na sa galit. Wala namang aagaw sa akin mula sa kanya pero siya talaga ay masyadong paranoid para laging isipin na ang mga lalakeng nasa paligid ko ay balak akong kunin sa kanya.
"I have a reason to be jealous because you are my girlfriend and you're mine." may diin niyang sabi at tinitigan ako ng masama.
Bigla akong natakot sa kanya at nanahimik na lang. Kung minsan talaga ay may takot at kaba pa rin ako kay Jason kahit boyfriend ko siya. Para bang hindi ko pa talaga siya lubos na kilala at wala ako masyadong alam sa kanya.
Dumating na ang order namin at hindi na 'yong waiter kanina ang nagserve ng pagkain kundi isang babaeng waitress na. Tahimik kaming kumain ni Jason at wala ni isa ang balak magsalita sa amin. Mukhang nawala na siya sa mood dahil sa sagutan namin kanina about his jealousy. Wala na akong balak magsalita at hindi ko na ma-enjoy itong unang araw na nakalabas ako sa loob ng hacienda.
Pagkatapos naming kumain at makapagbayad ng bill ay kaagad na kaming lumabas ng restaurant. Hinapit niya ulit ako sa baywang at hinalikan ang pisngi ko. "I'm sorry for what I'd acted earlier, baby." malambing niyang sabi.
"I understand." sabi ko at nginitian siya ng pilit.
Kahit anong sorry pa ang gawin niya, nangyayari naman ulit iyong pagseselos niya sa mababaw na dahilan kaya useless lang ang apology niya.
"Alam mo namang seloso ako, 'di ba? Kaya 'wag mo akong bibigyan ng rason para magselos, baby. You know how much I love you and I'm just only being overprotective to you." mariin niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya tumango nalang ako. Masaya naman ako kay Jason pero bakit hindi ko magawang tuluyang maging masaya? Bakit pakiramdam ko ay may kulang pa rin?
Naglibot-libot kami sa bayan at kinalimutan ko na ang nangyari kanina. Jason said that I need to buy new clothes and shoes kaya nagpunta kami sa vintage boutique shop at pumasok sa loob.
Biglang may tumawag sa phone ni Jason at sinabi niyang lalabas muna siya sandali para sagutin ang tawag. Tumango ako bilang sagot habang busy pa rin sa pagpili ng mga damit.
When I'm turning left to get some shoes ay may nabangga akong isang matangkad at malaking lalake at napasubsob ako sa dibdib niya. Akmang lalayo na sana nang hinawakan niya ang braso ko at titig na titig ito sa akin.
I feel goosebumps when he's staring at me at para bang nakita ko na siya noon.
"Hi!" nakangiti niyang sabi.
The guy in front of me is very handsome at mukhang kaedad lang si Jason. He's wearing a jeans and navy blue polo shirt at hapit na hapit iyon sa malaking katawan niya. Marami rin itong mga tattoo sa braso and he smells good. He's intimidating plus he has a dark aura.
"Hi rin," kinakabahan kong sabi at doon lang ako nakahinga nang maluwag nang binitawan na niya ang braso ko.
Titig na titig pa rin siya sa akin at para bang pinag-aaralan niya ang buong features ng mukha ko. Naiilang na ako sa ginagawa niya.
"By the way, you look great and matured now." bigla niyang pag-imik na ikinakunot ng noo ko.
"Magkakilala na po ba tayo noon?" tanong ko.
He smirks at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at bumulong sa tenga ko.
"Yes. You know me. I'm Duke and I'm here for you, babe."
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.